Chapter 25

270 21 4
                                    

Eleven.

Lumabas na naman ako ng bahay dahil ramdam na ramdam ko talagang lugmok ako sa mga iniisip ko.

Kapag nagtuloy parin ako na nandoon lang sa bahay, baka kung saan-saan na naman lumipad yung isip ko at maging sabog yung utak ko kakaisip.

Buti na lang, niyaya ako ni Brie na umalis. Sinasamahan ko siya ngayon na naggrocery.

Tulak tulak ko yung grocery cart, pasimula pa lang kami ngayon mamili. Kakarating lang namin.

Akala ko sa Landers 'to magpapasama o kaya sa S&R pero hindi pa daw kasi siya member doon. Kailangan kasi doon ng membership bago ka mag grocery.

Kaya dito lang kami sa malapit na SM Mall.

Ako yung nagtutulak nung grocery cart. Nagtatakha lang ako dahil kanina pa parang gustong tumawa ni Brie pero pinipigilan niya lang. 

Siguro may inisip 'tong nakakatawa. "You wanna share your thoughts?"

Napapailing siyang napapahawak sa bibig.

"Why?" natatawa na rin ako. Nakakahawa yung tawa niya.

"May naisip lang ako."

"Ano yung naisip mo?" mainahon kong tanong. 

"Para kasi tayong mag asawa ngayon." sagot niya namang natatawa parin. "Ang cute lang natin tignan."

Napailing akong napangiti. Akala ko naman kung ano na.  "Nagpasama ka eh." sagot ko naman. "No choice ako dito."

"Anong walang choice?" medyo tumaas yung boses niya nung sinabi niya yun. "Ayaw mo kong kasama?"

"Joke lang eh." depensa ko naman. Nginitian ko siya. "Aray!" naramdaman kong pinisil niya yung pisngi ko. "Masakit ha!"

"Ang cute mo kasi eh."

"Well." nagkibit balikat naman ako pero yung pa-sarkastiko.

Tinawanan niya lang ako. "Ang cute mo talaga."

"Simulan mo na kaya mamili at magtingin tingin." tinignan niya ko nang matagal. "Huwag ako yung tignan mo, yung mga kailangan mong iuwi dito sa grocery." wala na kasi siyang ka-stock stock sa condo niya. Kahit nga yung mga ilaw niya, kailangan na palitan. Hindi niya inaasikaso.

"Akala ko kasali ka sa pwede kong iuwi eh."

Inilingan ko naman siya, yan na naman siya sa mga banat niyang pabigla bigla. Nauna na siyang maglakad at nagtitingin tingin sa shelves.

Napansin ko na hindi niya maabot yung gusto niyang abutin. Mabilis akong umalalay at inabot yung nasa itaas ng shelves na hindi niya talaga kayang iabot.

"Careful." paalala ko sa kaniya pagka abot ko nung item.

"Thank you." ngiti niya. "Hindi kasi ako matangkad."

Nginisian ko siya, niyayabangan. "I do know."

Pabiro niyang tinulak yung noo ko. "Sira ka talaga, no?"

Nagkibit balikat na naman ako nang pa-sarkastiko. Kumportable akong asarin siya ng mga reaksyon ko.

"There you again with your sarcastic shrugs."

"Bakit?" tanong ko. "Favorite ko kaya 'tong kibit balikat na 'to." ginawa ko ulit yung pagkibit balikat pero tinawanan niya lang ako ulit.

Hinayaan ko lang siyang magdadadampot ng mga kung ano-ano at sinusundan lang siya.

Habang dumadampot siya ng mga gamit, ako naman 'tong inaayos yung mga pinagbabagsak niya sa cart na tinutulak ko. Maya't maya ko ring pinapasubok sa kaniya yung mga pagkain na tinuturo ko na hindi niya pa nasusubukang bilhin.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now