Chapter 15

204 20 2
                                    

Eleven.

"Tapos ka na ba?" tanong sa akin ni Sebun na nakikita naman niyang hindi pa ako tapos maglagay ng mga damit ko sa bag. 

"Mukha ba akong tapos na mag ayos?" masungit kong sambit. "Saglit lang."

Inaayos ko na yung mga damit ko dahil pinayagan naman na kami makauwi ngayong araw ng doctor. Mabuti na rin dahil buryong buryo na ako dito sa hospital. Nagiging pabigat rin ako sa mga nag aalaga sa akin. 

Imbes na makapag trabaho sila, nandito sila nagbabantay sa akin. 

"Sabi ko naman kasi sa'yo, kami na mag empake ng mga damit mo." singhal ni Sebun sa akin.

"Eh ayaw ko nga eh." hindi naman nila aayusin yung pag tupi ng mga damit ko sa bag ko. Hindi sila maayos mag ayos kaya hindi ko kayang ipagkatiwala 'tong mga damit ko. 

"Ang bagal naman mag ayos." rinig kong reklamo ni Tenten na ikinataas ng kilay ko. 

"Tarantado ka ba?"

"Kanina pa tayo dito, hindi ka parin tapos diyan." kailan ba hindi nag init yung ulo nitong taong 'to? Malamang, nag aayos ako ng gamit. Hindi dapat minamadali yung mga ganitong bagay.

"Si Eleven pa ba?" sabat ni Sebun. "Baka nga pati kubeta dito sa hospital linisin niya pa dito bago tayo makalabas dito eh."

Masama ko siyang tinignan. Mukha ba akong ganitong klaseng tao? "Kung may mga lakad kayo, magsilayas na kayo. Hindi ko naman kayo sinabihang pumunta dito." reklamo ko.

"Eh kasi naman, kanina mo pa binibilang yang mga gamit mo."

"Tinitignan ko lang naman kung may naiwan pa ba ako." inis kong sagot. Ano bang pake nila? Gusto ko lang makita kung may nakalimutan ako o wala para hindi naman hassle sa akin. 

"Wala na."

"Paano ka nakakasigurado?" tanong ko. "Mas marunong ka pa sakin eh."

"Kung may maiwan ka man, malalaman mo naman kay Uno." sabat naman uli ni Sebun. "Siya rin naman naka assign maglinis dito sa kwartong 'to."

"Bakit ba madaling madali kayo?"

"Kasi kanina ka pa diyan paulit ulit mag ayos!" sabay pa silang magreklamo.

Anak ng.

"Oo na." sinarado ko na yung zipper ng bag ko dahil kita ko na talaga sa mukha nila na inip na inip na sila. "Happy?"

"Tara na." kinuha ni Ten Ten yung bag ko na ikinagulat ko. 

"Wala ba akong kamay?" sarkastiko kong tanong. Kaya ko naman kasing buhatin, para nila akong ginagawang lampa o disabled dito ngayon.

"Ikaw na nga yung tinutulungan diyan."

"Akin na yan." 

"Huwag ka na matigas ulo." singit naman ni Sebun. Dala dala niya rin yung isa kong bag at hindi rin binibigay sa akin. 

"Baka lantang gulay ka pa," seryosong sambit ni Tenten. "kasalanan ko pa kapag nagreklamo kang hindi tinulungan."

Napasabunot ako ng ulo habang naglalakad kami. Nakng.

Para akong mababaliw kapag ito yung mga kasama ko sa iisang kwarto. Ayaw nila akong tigilan, gusto ko lang namang makasigurado na wala akong naiwan.

Para akong magkakasakit ulit dahil itong si Ten Ten at Sebun, kung magsalita parang parating may sama ng loob sa akin.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now