Chapter 66

372 24 7
                                    

Raven.

Malalalim akong bumuntong hiningang nakahawak sa cellphone kong nag riring kanina pa. Hinahanda yung sarili na sagutin yung tawag sa akin ngayon ni Amber.

Ilang beses niya na akong kino contact. Punong puno rin yung inbox ko dahil sa mga text niya sa akin. 

Hindi ko na talaga kayang iwasang hindi sagutin 'to. Kailangan ko na talaga siyang kausapin para matigil na yung pagkulit niya sa akin sa tawag. 

Baka kapag kinausap ko na siya, hindi na siya mangulit. Baka malinawan na siya sa naging desisyon ko. Kailangan ko lang siguro ng malinaw na paliwanag at mainahon na pakikipag usap. 

Hindi ako nagsalita agad nung sinagot ko yung tawag. Kumakabog yung dibdib ko ng sobra. Tahimik pa lang sa kabilang linya pero grabe na yung tibok ng puso ko. Bakit ganito? 

"L-Love?"

Napapikit ako nung marinig ko yung malungkot at nanginginig niyang boses na tinatawag ako sa kabilang linya.

Malalim akong napabuntong hininga. Paano ko ba siya sisimulang kausapin?  "Amber. . ." 

Parang umurong yung dila ko nung marinig ko na siyang humagulgol sa kabilang linya. Hindi ako nakapagsalita dahil naapektuhan ako sa naririnig ko. 

Paano ko ba siya ma hihindian? Paano ko ba siya makukumbinsing tumigil na dahil buong buo na yung desisyon ko kung ganito ako na nanlalambot ngayon agad kahit marinig ko lang siyang tinatawag ako at humahagulgol na? 

"Love." tawag niya ulit sa akin pero this time, mas lumakas yung hagulgol niya na may panginginig ang boses. "Comeback here, please. . . .nagmamakaawa ako sa'yo. Nakikiusap ako, Love."

Huwag namang ganito, Amber. 

Ang hirap mong tanggihan kapag ganito. 

Gusto ko lang maging maayos yung buhay ko, kailangan ko lang ring magdesisyon para sa sarili ko rin. Para lang rin sa ikagiginhawa ng isip ko.

"Umuwi ka na dito oh. . .pakiusap."

Simula kahapon na tinulungan akong makalabas ni Klarisse sa bahay, hindi na ako umuwi. Naka check in lang ako ngayon sa hotel at dito nagpapalipas ng araw.

Inaantay ko pa kasi hanggang ngayon yung condo na pinapasuyo ko sa secretary ko. Doon muna ako titira hangga't nandito pa ako sa Pilipinas na nag aasikaso ng trabaho. 

Wala namang magaganap ng kasal kaya sino ba ako para manirahan sa bahay ni Amber? Ni hindi naman kami magka relasyon o magkaibigan.

"I'm sorry. But we already talked about this, Amber." mainahon kong sabi sa kaniya. "I hope you'll respect my decision."

"How can I respect that if you're going to leave me alone again?" naiiyak niyang sabi. "I waited for you for years! Hindi ko na kayang pagdaanan ulit yung mga araw na yun na wala ka sa tabi ko. Hindi mo alam kung gaano kahirap yun sa akin!" ramdam ko yung sama ng loob niya sa kabilang linya na parang binubuhos lahat ng 'yon mismo sa akin ngayon. 

"Amber. . .please naman. Huwag naman ganyan."

"Do you know how happy I was? When you come back here?" napakagat ako ng labi at napayuko. Naalala ko yung araw na 'yon. Yun yung araw na pinaka hindi ko makakalimutan dahil hindi talaga ako handa na makita siya non. Ni wala akong ideya na pwedeng mangyari ulit na magkita kaming dalawa. "You gave me hope when you came back, Love. You gave me life. Ngayon na aalis ka, para mo ulit akong papatayin sa lungkot."

"Amber. . ."

"Mas lalo kitang minahal nung bumalik ka, Love. Mas lalong tumindi yung nararamdaman ko sa'yo." may riin yung bawat salita na sinasambit niya ngayon sa akin. "Ngayon na ganito na kita kamahal ng sobra, sa tingin mo makakaya ko pa na mawala ka pa ulit sa akin?"

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now