Chapter 27

253 18 6
                                    

Eleven.

"Why do you look like you wanna kill someone?" natigilan ako nung marinig ko yung boses ng asawa kong nandito na pala sa ibaba. Hindi ko man lang napansin na nandito na. 

"Ay, nandito ka na pala." sambit ko na nagkakamot ng ulo. Hindi ko naman talaga siya napansin agad. "Sorry, hindi kita agad napansin." takha kong tinignan yung kabuuan niya.

Nakabihis siya na parang may balak na namang umalis ng bahay. Parang iiwananan na naman ako dito ng mag isa.

"Aalis ka ulit?" may lungkot sa boses ko na hindi ko sinasadyang maging ganun yung tono ko. "Iiwan mo ulit ako?" wala sa sariling dugtong ko dahil parang 'di matahimik yung utak kong mag isip na lalayasan na naman niya ko dito.

Mukhang napansin niya yun at nagbago yung ekspresyon ng mukha. "I-I was just going out." mainahon niyang sabi sakin. "Babalik rin ako."

Nakahinga naman ako nang maluwag. "Akala ko naman." hindi naman kasi agad siya nagsasabi. Kinabahan tuloy ako. Akala ko tuloy tama yung iniisip ko.

"Tell me why you look so upset earlier." sambit niya sakin. Hindi naman ako nakasagot dahil hindi ko rin alam sasabihin ko. "Why?"

"A-Ah ano kasi—"

"Are you dissappointed that I'm already here?"

Nakng! Bakit naman niya nasabi yun? Nagmakaawa pa nga ako sa kaniya ng ilang beses na umuwi na dito sa bahay. Paano niya nasabi yun?

"Am I right?"

Mabilis akong umiling. I convinced her it's not her that made my day so stressful nang ganitong kaaga.

Siya pa nga nagpapagaan ng umaga ko. Kahit makita ko pa lang yung mukha niya dito sa bahay.

"Then tell me."

Para akong nag hehesitate na hindi ko mawari. Pakikinggan niya kaya ako? Tungkol lang naman yun sa pamilya ko.

"Tell me." parang may kung anong humaplos sa puso ko nung marinig ko yung boses niyang yun. Parang nararamdaman ko na nandiyan siya para makinig sa kin.

"It was my Dad—damn. I don't even know what to call him." irita kong nasambit. Hindi ako sanay ng ganito. He's my real grandfather pero I don't know how to address him. I've known him as my Dad, and as someone who adapted me but it turns out na he's my real grandfather.

"What happened?" 

It's like I'm being force to have them as my family after ng ilang years na inabandona nila ako at tinago sakin yung katotohanan.

And I am not ready to do that, or baka hindi ako kailanman maging handa para doon.

"Tell me what happened." rinig kong ulit niya pero dahan dahan akong yumuko at umiling.

"Hindi ko rin alam, asawa ko." malungkot kong sabi sa kaniya.

Pabagsak akong umupo sa sofa. Kita ko sa mukha niya na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya lang magawa. 

Natahimik kaming dalawa ng ilang minuto hanggang sa tumunog yung cellphone ko. Nakita ko yung mukha niyang nagbago agad yung ekspresyon. Nakataas ang kilay, naging masungit yung tingin.

Nanlaki yung mata ko nung makita ko kung sino yung tumatawag.

Si Brie. Nakng!

Paano ko ba 'to sasagutin? Ngayon na lang siya ulit tumawag o nagparamdam pagkatapos niyang malaman na kasal kami ng asawa ko.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora