Chapter 10

146 20 2
                                    

Eleven.

Sobrang sakit ng ulo ko dahil wala akong tulog hanggang ngayon. Napaungol ako sa sakit nung bumangon ako lalo na tumapat yung sinag ng araw sa mukha ko dito sa kwarto. 

Pumipintig at parang binibiyak yung ulo ko. 

Pero kahit na ganon, kailangan kong kumilos dito sa bahay dahil kailangan kong malutuan ng makakain si Amber. 

Habang nagluluto ako, tulala lang ako. Ramdam na ramdam ko kung paano ako mawala pabigla bigla sa wisyo.

Sising sisi ako kung bakit hindi ako nag effort na makatulog kanina kahit saglit na oras lang. 

Kung ano anong klase kasing naiisip ko kaya wala akong tulog. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin mawala sa utak ko yung nangyari kaninang madaling araw.

"Anak ng—" halos mapatalon ako sa gulat nung makita ko si Amber na mukhang sabog. 

Pero ang ganda padin.

Gising na pala siya. Buti na lang natapos na ako magluto bago pa siya magising. 

"What?" mataray niyang tanong sa akin nung napansin niya na nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi naialis agad ang paningin. "Anong tinitingin tingin mo?"

Napailing lang ako at ngumiti nang tipid.

Pinakikiramdaman ko siya habang busy akong maglinis. Tahimik lang naman siya at walang imik kaya dumire diretso na naman yung utak ko sa pag iisip ng kung ano ano tungkol kagabi. 

Tanghali na rin ngayon kaya marami akong ginagawa. Tanghali na rin siyang nagising.

Sa totoo lang, hindi ko talaga kayang bumangon. Sobrang sakit ng ulo ko at tamad na tamad akong bumangon dahil sa kagabi. Wala akong ganang magkikilos dito sa bahay pero wala namang ibang kikilos dito kundi ako lang.

Walang makakain yung asawa ko.

Kahit naman pinag isip niya ako nang napakatagal na ikinapuyat ko, wala naman akong magawa kundi ipagluto padin siya.

Syempre ayaw ko naman 'tong magutom sa trabaho. Ayaw ko ng ganon.

Atsaka ang gulo gulo na rin ng bahay, kailangan ko talagang maglinis. Hindi ko talaga kayang makita yung mga kalat sa bahay na hinahayaan lang.

"Did you cook?" mahinang tanong niya. Nakaupo na pala siya sa hapag kainan na hawak hawak yung ulo at nakapikit. Hindi ko na naman napansin sa sobrang nag iispace out ako ngayon.

Oo nga pala, hindi ko pala siya naaya pagkababa niya! Nakng. "Gusto mo na kumain?" wala sa sarili kong tanong. 

"Malamang."

Bigla akong nagmadali sa ginagawa ko at inasikaso siya para makakakain na.

"Sandukan mo 'ko." utos niya na nakahawak parin sa ulo.

"Gaano karami?" sinenyasan niya ako kung gaano karami. "Kain ka na." sambit ko pagkatapos kong gawin yung inuutos niya.

Hindi ko na siya inantay na maka subo ng pagkain. Nag ayos na ako ng mga hinugasan kong mga pinangluto kanina at nilagay kung saan nakapwesto lahat ng yun.

Kahit na hindi ako nakatingin, nararamdaman kong hindi padin siya kumakain nang maayos. 

Sana man lang makain ng asawa ko. Kailangan niya yung sabaw para mabawasan yung pagka hangover niya. 

Masama talaga sa pakiramdam yung hangover. Nakailang baso ba naman kagabi. 

". . ." kumunot yung noo ko. Ano? May sinasabi ba siya?

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora