Chapter 26

169 22 3
                                    

Eleven.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay. Inaantay nila akong bumaba pero hindi parin ako bumababa sa kotse.

Napapansin ko yung asawa ko na naiinis na sa akin dahil kanina pa ako nandito sa likod, parang walang balak bumaba.

Sa totoo lang, wala talaga akong balak bumaba. Wala naman akong sinabing bababa ako.

Hindi ako bababa hangga't hindi sumasama yung asawa ko saking pumasok sa bahay. Gusto ko na siyang umuwi, hindi na kung saan-saan siya nakikitulog. Gusto ko dito na siya matulog sa bahay, kasama ako sa iisang bubong katulad ng dati.

"What are you waiting for?" inis na singhal ni Amber. Ramdam mo talaga yung inis at maawtoridad na boses niya pero hindi ako nagpapatinag doon. Kahit na anong gawin mo, asawa ko. Hindi ako bababa hangga't hindi ka sumasama sa akin.

Wala akong nagawa sa pagsunod sunod niyo sa akin simula kahapon, sana naman ako naman ngayon yung pagbigyan niyo. Umuwi ka na dito.

Yun lang naman yung hinihiling ko.

Hindi ko hinihiling na makipag break ka sa boyfriend mo o kung ano pero sana naman itong kahilingan kong 'to, magawa mo.

"Sabi ko, ano pang inaantay mo diyan sa likod?" mas tumaas pa yung boses niya sa akin. Halata mo talagang naiinis na siya. Siguradong namumula na yung mukha sa inis.

Pero hindi ako nagpapatinag. Kahit ano pang mangyari, hindi ako bababa dito.

"Ang sabi ko, ano pang inaantay mo diyan sa likod at hindi ka pa rin bumababa?" galit niyang singhal. 

"Ikaw." seryoso kong sagot. 

"What me?" ay ano tayo ngayon, ignorante? Joke time 'tong asawa ko eh. Anak ng.

"Umuwi ka na dito sa bahay, asawa ko." sabi ko na parang may pagmamakaawa. "Bakit ba kasi hindi ka umuuwi dito?"

Hindi parin talaga siya sumasagot. Nagkatitigan silang dalawa ni Klarisse at nagkibit balikat lang yung kapatid niya sa kaniya. 

Desisyunan mo na sana, asawa ko.

"Umuwi ka na dito, please." nagmamakaawa na talaga ako. Ayaw ko na bumalik sa bahay nang mag isa.

Ang hirap makulong dito sa bahay na puno ng pag alala, puno ng tanong kung nasaan ka. Kung nakakain ka na ba, kung nakauwi ka ba nang maayos tuwing gabi sa kung saan ka man nanunuluyan. 

Ang hirap hirap rin isipin na baka iwanan at latagan mo na ko ng annulment kaya ka hindi umuuwi.

Hindi ako handa.

Kapag nandito ka sa bahay, panatag ako na wala ka pang pinaplano.

Hindi talaga ako handa, asawa ko.

"Asawa ko." malungkot kong tawag.

Hindi siya humaharap sa akin pero nilalapit ko yung mukha ko sa driver's seat. "Asawa ko."

"Son of a—" tinulak naman niya yung mukha ko kaya napasandal ako sa upuan ko dito sa likod.

Ayaw talaga magpauto.

"Pinapauwi ka na ng asawa mo." nakangisi namang sabi ni Klarisse sa kaniya. "Huwag ka ng magpa baby diyan, hindi bagay sa'yo."

"Asawa ko. . . ." may lambing pa yung boses kong tawag sa kaniya. Baka sakaling sa ganitong pagtawag ko sa kaniya, mauto ko siya. Mapabalik ko siya. Malay ko lang naman diba, bakit hindi ko subukan? Desperado na ako.

"Kapag hindi ka pa bumaba, kakalbuhin talaga kita."

"Umuwi ka na kasi sa bahay, asawa ko." kahit kalbuhin mo pa ako, huwag lang yung ganito na hindi ka parin uuwi. 

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now