Chapter 5

135 14 2
                                    

Eleven.

Kabadong kabado ako. Parang lalabas yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Anak ng.

Nasa ere na yung upuan na ipapalo niya sa akin sa galit.

Pero hindi natuloy dahil dumating ngayon si Klarisse. "Subukan mo." banta sa kaniya ng kapatid niya na ikinatigil niya. "Hindi ko gagawin yung inuutos mong ipagawa sa akin."

Malalim ang mga hiningang pinapakita niya. Nagtitimpi na galit na galit ang mga mata.

"Sorry." nakayuko kong sabi. "Hindi ko sinasadya—"

"WHAT DID YOU SAY?" inis niyang sabi. "Hindi sinasadya? Are you fucking serious?"

Nakayuko parin ako habang pinagmumumura niya ako sa inis. 

Hindi ko naman talaga sinasadya. Wala naman akong intensyon na gawin yun, asawa ko. 

"Enough."

Pero hindi parin nakinig si Amber at hinagis yung upuan sa pader. "Don't you know how important my laptop is?" inis niyang tanong.

Alam ko naman yun, asawa ko. Nandoon lahat ng mga trinabaho mo. "I'm sorry." hindi ko lang talaga sinasadya. "Hindi na mauulit."

Bakit ba kasi napaka lampa kong tao?

"Hindi na talaga mauulit dahil sira na yung laptop ko!" sambit niya. "Fuck you."

"Ate." tawag ni Klarisse na nagpapahiwatig na tumigil na. "Enough."

"Shut the fuck up!" sinipa niya yung sofa sa inis. "I hate this. I hate my fucking life!"

Lumabas siya ng bahay at padabog niyang sinarado yung gate. Gusto ko sana siyang sundan pero parang mas lalo siyang magagalit kapag ginawa ko yun. 

"Hayaan mo lang siya." sambit ni Klarisse na umupo na ngayon sa sofa. "She's a fucking cunt." iling iling niyang sabi. "I'm sorry about my sister, kinulang yan sa gatas nung bata pa."

"Kasalanan ko rin, pasensya na."

"No." umiling siya. Parang hindi sang ayon sa sinabi ko. "Don't be, kakampi mo ako dito."

"Natapunan ko kasi ng juice yung laptop niya." paliwanag ko sa kaniya. Manggagalaiti ka naman talaga kapag natapunan yung laptop mo ng juice. Malamang sa malamang, merong nakalagay doon na importanteng bagay.  "Tapos namantsyahan ko yung paborito niyang damit."

"Oh." parang naintindihan niya na kung bakit naging ganon yung ate niya. 

"Diba?" sambit ko.  "Sabi ko sa'yo, kasalanan ko rin. Kahit ikaw, manggagalaiti ka."

Ngumisi siyang umiling. "Kahit na." sambit ni Klarisse. "Besides, I don't hit people when I'm mad."

Tinignan ko siya. 

"I'm not my sister, bayaw." sabi niya. "Hindi ako mahilig manadista."

"Bayaw?" takha kong tanong. Tama ba ako ng narinig?

Ngumiti siya nang bahagya. "Bayaw."

Tinatawag niya talaga akong bayaw? 

"Why?" takha niya namang tanong sa akin.

Napangiti ako. "Tanggap mo ako bilang bayaw mo?"

"Of course." sagot niya. Hindi parin ako makapaniwala. "Mas tanggap pa kita kaysa sa ate ko."

Mahina naman akong natawa. 

May pagka pareho sila ng ugali pero magkaiba pala talaga sila. Ngayon ko lang siya nakausap ng ganito. Mukha rin siyang nakakatakot katulad ng ate niya pero kapag pala kinausap ko na, hindi ka matatakot. 

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon