Chapter 1

744 24 0
                                    

Eleven.

Kabadong kabado akong paikot-ikot na naglalakad sa sala.

Nag iisip ng kung ano ano.

Nakng! Ilang beses ko na siyang kino-contact pero hindi niya parin ako sinasagot hanggang ngayon!

Ano na ba balita sa'yo? Ayos ka lang ba?

Sinubukan 'ko ulit siyang tawagan pero wala paring sagot.

"Asawa 'ko naman!" nagpapanic akong napapahawak sa buhok ko. Ano na ba nangyari sa'yo? Hindi ka na ba marunong mag cellphone kaya hindi mo ako masagot sagot?

"Sumagot ka naman oh." pagmamakaawa 'ko na sana ay naririnig niya ngayon. "Please naman."

Gusto 'ko talaga ngayon umalis ng bahay para hanapin siya, pero hindi 'ko magawa.

Paano kapag tumawag siya sa telepono dito sa bahay? Walang sasagot sa kaniya.

Paano kung nakarating na siya dito sa bahay tapos dito naman may mangyari sa kaniya nang wala ako? Ayaw 'ko namang mangyari 'yun.

O 'di kaya, hanap ako nang hanap tapos maya maya nandito na pala siya sa bahay. Okay sana kung pati ako hahanapin, eh ako lang yung naghahanap sa aming dalawa.

Nanginginig akong nagda dial ulit ng phone 'ko. Namamawis yung kamay 'ko sa sobrang kaba.

Sino bang hindi kakabahan? Kasama 'ko siya dito sa bahay tapos wala siya dito ngayon, malamang hahanapin mo yung wala. Kakabahan ka kapag wala!

Palakad lakad parin ako sa sala. Hindi parin alam kung paano lulutasan 'tong pag aalala ko. Ang tanging kaya 'ko lang gawin ay mag dial at nerbyosin. Hindi naman ako pwedeng umalis nga.

Ang daming mga scenario ngayon na nasa ulo 'ko na posibleng mangyari habang mag isa lang siya. Halos lahat posibleng mangyari.

Napakaraming laman ngayon ng utak 'ko. Hindi 'ko kinakaya.

Napakarami pa namang manyak ngayon sa kung saan saan.

Naikagat 'ko lahat ng kuko sa kamay at nanginginig yung tuhod 'kong napaupo sa sofa.

Kumalma ka nga dyan, Eleven! Wala, walang nangyari doon. Huwag ka na mag isip ng kung ano ano. Hindi, wala. Walang nangyari!

Traffic lang kaya hindi ka pa inuuwian.

Baka nakatulog lang. Yun na lang isipin mo.

T-Tama. T-Tama—tanga! Mas mahirap isipin na tulog siya ngayon na wala sa bahay! Mas pahamak. Anak ka ng—!

Nakng. Kalma na, pota.

Breathe in. Breathe out. Breathe in. Breath out.

Relax. Kalmahan mo lang, Eleven.

Paulit ulit kong nirerecite yung 'uuwi rin siya' sa utak 'ko. Hanggang sa may narinig akong nagpaalarma sa akin.

Anak ng. Ano yun?

Natupad ba yung pagchachant 'ko sa utak 'ko?

Natakot ako saglit pero lumuwag yung pakiramdam ko na umaaasang siya yung nangalabog dito sa gate.

"Asawa ko?" tawag ko. Dahan dahan akong naglakad palabas, kinakabahan ako baka magnanakaw pala yung pumasok.

"Asawa ko? Ikaw na ba yan?" paninigurado ko.

Nagulat ako sa nakabalandrang katawan sa gate na halos parang walang buhay. Tunaw na tunaw yung make up sa mukha at nangangamoy na alak.

Nakapikit at mukhang humihilik.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now