Chapter 41

227 19 5
                                    


6 years later. . .

"Eleven. . .Twelve. . .Thirteen. . .Fourteen. . ." hingal na hingal na nagbibilang si Raven sa ginagawang bench press. "Nineteen. . .Twenty. . .Twenty-one. ." tinuloy tuloy niya ang pagbubuhat ng weights habang nakahiga hanggang sa nakaabot ito ng thirty.

Tagaktak ang pawis ni Raven na umaagos sa buong katawang napaupo. Mula noo hanggang sa naglalakihang dibdib pababa sa tiyan niyang parang bato sa tigas. Hindi pa siya nangangalahati sa pag eehersisyo pero tila naliligo na siya sa pawis. Hinahabol niya yung hininga habang nagpapahinga sa upuan ng pinag ehersisyuhan.

Ito naman yung gusto niya, yung init ng katawan pati yung katawan na naliligo sa pawis. Nararamdaman niyang narerelax siya at nawawala yung mga iniisip niyang mga trabaho at stress.

Pagkatapos niyang magpahinga ng isang minuto, sinimulan niya na mag push ups at inabot ng tatlong set.

Tuloy tuloy lang siyang mag work out at magpalabas ng mga tubig sa katawan. Routine niya na 'to tuwing umaga, kung mayroon pa nga sana siyang oras, magjojogging pa siya. Gustong gusto niya yung ginhawa kapag natatapos siya sa isa't kalahating oras ng pagwoworkout niya.

Kapag hindi niya nagagawa 'tong routine niyang 'to, hindi nakukumpleto yung araw niya. Parang may kulang. Pero ngayon na natapos niya na, siguradong may nailabas na siyang endorphin sa katawan.

Kinuha niya yung towel niya na pinangpunas sa pawisan niyang katawan. Mula mukha hanggang sa likuran. Nagpapatuyo siya ng pawis habang nakikinig ng balita sa TV.

Pinakikinggan niya rin yung voicemail ng kaibigan na si Six.

"Parekoy!" excited na excited yung boses na bumungad sa voicemail. "Congrats! Binalita na yung kumpanya niyo! I'm so proud of you, men. Nakakatuwa! May ipagmamayabang na talaga ako sa mga kakilala ko. You the best!"

At nakikinig na nga siya sa balita, totoo yung sinasabi ni Six.

May kung anong satispaksyon yung maliliit niyang ngiti na nanonood at umiinom ng juice.

Siya ang CEO ng Golden Seas. Isang korperasyon ng mga containers, barko, shipments, at resorts sa iba't ibang bansa. Isang malaking achievement 'to sa kaniya dahil matagal na niyang gustong makamit yung ganitong dream niya.

And he's really living in his dreams.

He feels so proud of his own self.

Tumingin siya sa itaas at nagsalita. "I hope you're proud of me, Lolo." hindi niya parin nakakalimutan ang kaniyang Lolo. Pakiramdam niya sobrang laking ambag ng Lolo niya sa buhay niya dahil naniwala ito sa kaniya, binigyan pa ng panibagong buhay.

Napakalaking tulong yung pagpilit sa kaniya bago ito mawala sa mundo. Iniisip niya ngayon, kung hindi niya 'to sinunod, hindi siya magiging ganito ka-successful.

Nakikita niya sa screen yung pangalan niya, CEO Raven Jake Hernandez. Sino ba namang hindi mapaproud sa sarili? Matagal niya na 'tong pangarap. Matagal niya na 'tong pinagsikapan, simula pag aaral pa lamang niya sa kolehiyo at pagkuha ng degree.

Naging malayo ang narating ng isang Christopher Eleven Hernandez na mas kinikilala na ang sarili bilang Raven.

Kinuha niya yung cellphone niya sa lamesa nung may tumawag.

"Congrats." may bahid ng sama ng loob yung pagbati sa kaniya. Magko congrats na nga lang, may halo pang inis.

"Galit ka parin?" tanong niya sa kausap. Nag antay siya ng sagot pero wala man lang siyang marinig ni isa. "Where's my baby?"

"Naliligo."

"Papasok na ng school?"

"Malamang." inis na sagot.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now