Chapter 55

362 20 0
                                    

Raven.

[note: This is before Amber's point of view sa previous chapter. thank you.]

Two days ago. . .

Pinapakiramdaman ko yung kasama ko pauwi dito sa bahay simula kanina pa.

Nagsimula siyang maging ganitong tahimik at kasungit nung sinagot ko yung tanong niya kanina sa byahe. Yung tungkol kay Luella.

Parang nakikita ko ngayon yung tipikal na Amber na nakilala ko.

Bakit parang pakiramdam ko ngayon may kasalanan ako?

Hindi ko mapigilan yung sarili kong sulyap sulyapan siya. Nangungunot yung noo niya mula kanina pa.

Nandito parin pala yung side niyang 'to. Akala ko, tuluyan na talaga siyang nagbago.

Mabuti na rin. Hindi ko kailangang mangapa ngayon sa side niyang 'to, kasi kabisado ko 'tong ganitong klaseng ugali niya.

"Matulog ka na."

Tinignan niya ako sa mata nang seryoso. Parang mas lalo siyang nainis dahil sa sinabi ko. May masama ba sa sinabi ko?

"Pinapatulog mo na 'ko?"

"Tama naman yung narinig mo." walang kaemo emosyon kong sagot.

"Ni hindi man lang nakaisip maglambing." rinig kong bulong niya. "Nakalimot na ba siya maglambing?" rinig ko paring bulong niya sa hangin.

Seryoso ba siyang nag aantay siyang lambingin ko siya?

"Matulog ka na." ulit ko.

"Bakit mo ba ako pinapatulog?"

"Because it's already late."

"Ah, talaga?"

Napakamot na lang ako sa patilya ko, hindi na sumagot. Ang hirap pala niyang kausapin kapag madaling araw, nagsusungit.

Ni-lock niya na yung pinto dito sa sala. Dinodouble check pa niya kung nakasarado ba nang mabuti dahil mukhang hindi siya tiwala sa mga lock. "Nasa akin lahat ng susi."

I know.

Mas matagal ka nang nakatira dito kaya nasa iyo talaga yung susi.

"Kung gusto mong kunin, nasa loob ng kwarto ko." seryoso niya pang sabi. "Kung makukuha mo." parang may lalabas na laser sa mata niya nung sinabi niya yun.

Nangungunot naman yung noo kong nakipagtitigan sa kaniya. "Kailangan ba talagang nakalagay sa kwarto mo?"

Paano kung mayroong emergency na mangyari? Kailangan ko pa bang gisingin siya para hanapan ng susi?

"Oo." sagot niya sa akin. "Dahil tumatakas ka."

Takas? Takas na ba yung nakitulog lang ako sa ibang bahay?

"Paanong naging takas yun?"

"Hindi ka nagpaalam."

"Kailangan ko ba talagang magpaalam pa?"

"Oo."

"At bakit?" takha kong tanong.

"Dahil asawa mo 'ko."

"Alam mong hindi na, Amber."

"Hindi pa ulit. Pero dito ka na nakatira sa bahay." gumaralgal yung boses niya sa pagsagot sa akin non. Umiwas yung tingin ko nung makita ko sa mata niyang nasaktan sa biglang sagot ko.

May kung anong sumuntok sa dibdib kong nakaramdam ng konsensya sa naging tugon ko.

Ilang minuto kaming natahimik dahil doon. Wala rin namang lumalabas sa bibig ko para mawala yung bumabalot na katahimikan sa amin.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now