Chapter 37

238 22 5
                                    

Eleven.

Nagpatunog ako ng leeg at nag stretch ng balikat ko sa sobrang stress at pagod.

Kakauwi ko lang galing trabaho.

Yun ang kailangan kong gawin para malibang ako, maituon ang atensyon sa iba. Kaysa magbabad at magsayang ako ng oras ko dito sa condo ko para mag drama.

Wala akong kagana ganang tanggalin yung blazer ko at ang necktie ko. Parang pagod na pagod ako kahit na nakaupo lang naman ako sa opisina para sa trabaho.

Pero sa totoo lang, isa na rin siguro sa rason kung bakit guston gusto kong pumasok parati ay para makita siya. Nagbabaka sakaling makita ko yung asawa ko doon kahit anino man lang niya. 

Kahit man lang makita ko siya sa opisina, ayos lang. Kahit sa malayo, kahit itaboy ako. Ayos lang. Makita ko lang siya.

Pero wala. 

Kahit man lang saglit sana, pero wala talaga. 

Nanlaki yung mata ko sa narinig kong doorbell. "Asawa ko?" nandito ba siya? Binibisita niya ba ako?

Tila isang musika sa pandinig ko yung doorbell dahil isa lang ang iniisip ko, binibisita ako ng asawa ko ngayon.

"Asawa ko?" hindi ko alam na ganito ako kasaya na marinig kahit yung doorbell lang sa condo ko. Ganito siguro talaga yung kagustuhan kong makita yung asawa ko.

Hindi ko man lang mapigilang ngumiti nang malawak habang naglalakad palapit sa pinto.

Asawa ko. . .ikaw na ba 'to? Gusto mo na ba akong pauwiin?

Kung gaano kabilis kong naramdaman yung saya at kung gaano ako kabilis na napangiti, ganon rin kabilis yung pagbagsak ng balikat ko at mapabusangot nung nakita kong hindi yung asawa ko yung pumunta dito para bisitahin ako.

Si Brie.

Lasing.

"Brie." nginitian niya ako bago siya na-out of balance. Nakng! Buti na lang nasalo ko siya sa kili kili dahil hindi siya makatayo nang maayos. "What are you doing here?" paano niya nalaman yung condo ko?

"Why? Itataboy mo ba ako?"

"You're drunk."

"I know, Chris." mahina siyang natawa. "I know."

"Ihahatid na kita."

"No. . .no. . .no." iling niya at sinubukang tumayo ng maayos. Inaalalayan ko parin siya sa braso dahil hindi niya talaga kayang tumayo nang maayos man lang. "Let me in."

Malalim akong bumuntong hininga. Anong kailangan niya? Bakit nandito siya at lasing na lasing?

"Huwag mo akong itaboy, please." nakaramdam ako ng awa sa narinig kong tono ng boses niya. "Let me stay, kahit saglit lang."

Fine.

"Okay."

Wala namang magagalit.

Mabilis siyang naglakad papuntang sofa ko at pabagsak na humiga. Hindi ko na siya nahabol para alalayan sana dahil mabilis talaga siyang lumakad.

Humiga siya nang may suot na heels, tinapon lang yung bag sa kung saan pati yung blazer niyang suot, kinalat.

Parehas silang dalawa ni April. Ang kalat.

Hindi ko na sana siya pakikialaman dahil mabilis lang siyang nakatulog sa sofa pero hindi ko matiis.

Tinanggal ko yung heels niya sa paa, kinumutan at nilagyan ng unan sa ulo.

Inayos ko rin yung bag niyang nakakalat pati yung mga iba pa niyang gamit.

Umupo ako sa single sofa na katabi lang ng hinihigaan ni Brie at binuksan yung TV. Hindi ko talaga kayang matulog nang may babaeng natutulog sa sala kaya binantayan ko na lang siya hanggang magising siya nang maihatid ko.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now