Chapter 16

170 18 1
                                    

Eleven.

"Ang aga mo namang makauwi." takhang tanong sa akin ni Ten Ten pagkakita na pagkakita pa lang niya sa akin dito sa labas ng apartment niya. Ni hindi man lang muna ako pinapasok sa loob. "Akala ko ba isang linggo?"

"Eh hindi eh." 

"Bakit ka nandito?" masungit niyang tanong. Tinignan niya yung kabuuan ko. May dala akong mga maleta ko dahil dito ako dumiretso galing airport.

"Mamaya mo na ako tanungin." papasok na sana ako pero hinarangan niya ng braso niya yung pinto. "Para namang gago, Ten."

"Bakit ka nga nandito?"

Napabuntong hininga ako na nagpipigil ng inis. Ang hirap naman makaintindi ng sitwasyon ko.  "Hindi mo ba muna ako papapasukin?"

"Hindi ka makakapasok hangga't hindi mo ako sinasagot ngayon." sambit niya. "Ano bang nangyari? Bakit may maleta kang dala?"

"Papasukin mo muna ako." sambit ko. "Please lang."

Kumunot yung noo niya at hindi rin nagtagal, tinanggal niya yung harang ng braso niya sa pinto at tinulungan ako sa maleta ko. 

"Bakit ka may maleta?" tanong niya ulit sa akin. "Pinalayas ka ba ng asawa mo?"

Tinabi ko yung maleta at naupo sa sofa na naghihikab. Pagod na pagod akong bumyahe. "Kararating ko lang galing states." sagot ko. 

"Oh, may pasalubong ka?"

"Wala."

"Edi lumayas ka dito." sambit niya. "Pupunta punta ka dito, wala ka naman palang pasalubong."

Tinaasan ko siya ng kilay. Nakng. Ganito ba talaga yung mga kinaibigan ko? Walang modo? 

"Hindi ako nagliwaliw doon, Tenten." seryoso kong sabi. Tinaas ko yung paa ko sa lamesa at sinandal yung dalawang braso sa sandalan ng sofa. 

Nakapamewang siyang nagtatakha sa akin na parang maraming gustong itanong na hindi ko malaman. "Ano?" takha kong tanong. 

"Bakit dito ka dumiretso?" 

"Eh ano?"

"Hindi ka naman dito nakatira." sambit niya. 

Hindi ako sumagot kaagad. Parang tamad na tamad pa ako ngayon magsalita tungkol sa nangyari sa ibang bansa. 

Gusto ko lang muna makapagpahinga yung utak ko. Parang na-torture sa states. Nakng.

"Tabi tayo sa kama mo ha." naglalambing kong sabi sa kaniya. "Dito muna ako."

Tinadyakan niya ako bigla. Nakng! Ano bang problema nito? "Tarantado ka ba?" inis niyang singhal. "Umuwi ka sa inyo, tangina."

"Wala kang magagawa, nandito na ako." tumayo ako at nagdire diretsong pumunta sa kusina niya. Naghahanap ako ng makakain ko. 

"A-Anong tinitignan tignan mo diyan?"

"Nagugutom ako."

Pagbukas ko ng cabinet, wala man lang akong nakita kahit anong klaseng de lata o pancit canton. Kahit yung ref, puro lang tubig. Hindi pa nakasaksak yung ref. Nakng. 

"W-Wala kang makikita diyan." nahihiya  niyang sabi. "Kaya umuwi ka na sa inyo."

"Hindi ka namalengke o nag grocery man lang?" tanong ko sa kaniya habang nakaiwas yung tingin niya sa akin. Parang nahihirapan siyang ipakita na nahihiya siya sa akin. 

Hindi dapat siya mahiya, kaibigan naman niya ako. Hindi ko naman siya hinuhusgahan ngayon.

"Sa dinadami ng kaibigan mo, dito mo pa napiling makitulog." naiinis niyang tanong sa akin. "Wala akong mapapakain sa'yo kaya umuwi ka na."

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Место, где живут истории. Откройте их для себя