Chapter 64

343 25 7
                                    

Raven.

"Where's ate?" tanong agad yung sumalubong sa akin pagkarating ko rito sa resort venue ni Four. Nakakunot pa yung noo ni Klarisse nung tinanong ako. 

Mukha bang may kasama ako ngayon? "She's not with me." sambit ko. 

Akala ko tatantanan niya na ako sa pagtatanong pero hindi. Nakatingin parin siya sa akin ng nakakunot ang noo. "Why are you looking at me like that?"

"Bakit hindi mo siya kasama?"

Kailangan ba talaga na parati ko siyang kasama? Parang obligado ako na kailangan kasama ko siya kung makatingin si Klarisse sa akin. 

"Eh sa hindi eh."

Kung sinama ko siya ngayon, nasa kaniya lang sigurado buong atensyon ko. Gusto ko ituon yung atensyon ko sa mga kaibigan ko na matagal ko na hindi nakakakulitan. Baka maburyo lang rin siya dito kung isinama ko. 

"Nag away ba kayo?"

"Huh? No." mabilis kong sagot. "Hindi ko lang talaga kasama."

"Are you sure?"

"Hindi nga." kamot ko sa gilid ng tenga ko. "Walang nangyaring away, okay?"

"ONSE!" natuon yung atensyon ko kay Uno na tumawagg sa akin. "Tara dito!" kaway niya.

"Excuse me." sambit ko kay Klarisse bago ako pumunta sa mga kaibigan kong nagkukumpulan sa lamesa na parang may pinagkakaguluhan. 

"Hey." nakipag apir ako sa kanila isa isa. "Where's the birthday boy?"

"Nandoon." turo nila kay Four na may kausap sa telepono. "Kumusta?"

"Okay lang."

"Nasaan asawa mo, pre?" tanong ni Seth bigla.

Anak ng. "Anong asawa?"

Nginiwan ako ni Seth. "Yung asawa mo kako."

"Wala akong asawa." 

"Yung dating asawa mo." inis niyang singhal. "Doon rin naman yung punta ninyong dalawa ulit. Sira ulo ka talaga!"

Nagkibit balikat ako. 

"Paanong hindi mo alam?"

"Eh hindi ko alam eh." sambit ko. Ni hindi ko talaga alam kung nasaan siya, umalis ako nang walang Amber sa bahay kanina. Kaya nakalabas ako ng bahay ng walang ka-probleproblema. 

"Hindi mo kasama ngayon?"

Umiling ako bilang sagot. 

"Onse." bati sakin ni Sebun pagkalapit sa akin na tinapik yung balikat ko at nangumusta. Para siyang may hinahanap na tao na hindi ko alam kung sino dahil palinga linga siya sa paligid. "Nasaan yung asawa mo?"

Anak ng. 

Ang kukulit!

"Wala nga." nakukulitan kong sagot. Kanina pa kayo hanap nang hanap! Eh sa hindi ko nga kasama. "Bakit niyo ba hinahanap yung wala?"

"Bakit?" sabay sabay nilang tanong. 

Hindi ba sila makuntentong malaman na wala si Amber dito? Bakit kailangan pa nilang tanungin kung bakit hindi ko kasama? 

Kailan pa sila naging interested na makasama si Amber sa ganitong klaseng gatherings? Eh noon, nakikiusap pa sila na huwag ko isama si Amber tapos ngayon ganito?

"Pumayag siya?" dagdag na tanong ni Sebun na parang hindi makapaniwala. 

Napabuntong hininga ako. 

Napaisip bigla sa ginawa ko ngayon. 

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon