Chapter 52

334 22 1
                                    

Hindi niya na alam kung saang bagay pa ang makakatulong na makakapag pahinga ang utak niya sa stress na nararamdaman niya hanggang ngayon.

Parang kahit anong gawin niya at saan siya pumunta, hinahabol siya ng stress. Hindi siya nilulubayan.

He booked for four days here in Bohol to help him relax, to help him avoid his problems.

Bohol was supposed to be helpful to him.

But it's not.

Hindi nakakatulong sa kaniya.

He booked this for escapism but clearly, it didn't happen as planned.

Pakiramdam niya, mas lalo siyang nastress at maiistress.

Mas lalo siyang nakapag isip ng kung ano-anong bagay simula nung nakasama niya ngayon si Amber dito sa Bohol.

Hindi dapat ito kasama pero mapilit at nakagawa ng paraan para makasama sa Bohol.

Kahit na obvious na obvious na sa mukha niya na hindi niya gusto ng kasama, sumama padin si Amber.

At hindi nakakatulong sa pag iwas sa stress ang pagsama nito sa kaniya dito sa Bohol. 

Sa tuwing binubukas ni Amber yung bibig nito para magsalita ng kung ano-ano, mas dumadami yung mga iniisip niya. Mas dumadami ang tanong niya sa mga nasasabi nito.

At hindi siya natutuwa.

Ngayon, wala na siyang ibang maisip na pwedeng makatanggal ngayon ng stress niya kundi ang mag inom ng alak.

Alam niyang bawal siyang uminom pero kahit na bawal dahil sa iniinom niyang gamot, nandito siya sa pool bar. Umiinom.

At nakakailang baso na.

Ni hindi niya alam kung kailan siya hihinto sa pag inom ngayon dahil ramdam niya parin ang stress sa katawan.

May paraan naman sana siya para maiwasan ang stress kahit na kasama niya si Amber dito sa Bohol. Yun ay ang magkulong sa kwarto niya hanggang sa matapos yung apat na araw niya dito.

But he can't do it. He can't hide in his hotel room anymore. Wala sa kaniya ang key card, na kay Amber parin hanggang ngayon. Hindi parin binibigay. 

Pero paano nga ba naman nito maibibigay sa kaniya kung hindi naman sila magkasama ngayon? Tinakasan niya ito kanina sa inis at hindi pa sila nagkikita hanggang ngayon na gabi na. Hindi niya pa ito nakikita simula kanina, at naka buti kahit papaano para sa kaniya.

Hindi siya makapasok sa sariling hotel room. That's why he just bought new clothes and then he took a bath in a public shower, near the pool area. Kahit anong mangyari, kailangan niyang makaligo. Ganon siya kalinis sa katawan.

He didn't see Amber's whereabouts for about hours, and that's a good thing for him.

Wala siyang kontrol kung hanggang ilang baso ang iinumin niya ngayon. He's drinking without thinking of passing out because he has a low alcohol tolerance compare sa ibang tao. Gusto lang niyang makaiwas sa stress kaya siya nainom kahit na alam niya yung bagay na 'yon.

Hindi naman sana mangyayari ang lahat ng ito kung hindi kinailangan ng kumpanya.

Kung hindi lang kinailangang magpakasal ulit kay Amber para ulit sa kumpanya, hindi siya maiistress ngayon ng ganito. Pero wala na siyang magawa.

Kailangan niyang magpaka lalaki para gawin ang trabaho niya bilang CEO ng isang kumpanya.

Gagawin niya ang lahat para hindi iyon mapasama. Napaka raming trabahador ang nakaasa ng trabaho sa kumpanya at mawawalan lahat ng kabuhayan kung hindi niya bibigyan ng solusyon.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now