Chapter 61

445 20 3
                                    

Raven.

Hirap na hirap akong makabangon sa kama. Hindi ko alam pero mukhang iba yung nararamdaman ko ngayon. Parang masama yung pairamdam ko. 

Nahihilo ako na parang nasusuka. 

Ang sakit pa ng ulo ko. 

Tapos makakarinig pa ako nang malakas na katok sa pinto ko. Ang aga aga. Kaya ako bumabangon ngayon kahit nahihilo ako dahil naiinis na ako sa ingay ng katok ni Amber sa labas.

Pambihira naman.

May sarili nga akong kwarto, hindi ko parin maramdamang may privacy ako. Anak ng.

"Hi, Love!" ngiti niyang bati pagkabukas ko ng pinto sa kaniya. Halata sa boses niya na masaya siya. Mabuti pa siya. "Good morning!"

Sinandal ko sa gilid ng pinto yung ulo ko sa hilo. Parang hindi ko yata kakayaning tumayo nang maayos. "Morning." mahina kong bati. 

Kita ko yung suot niyang dress na bagong bili namin sa mall na ako yung nagbayad. Bagay na bagay talaga sa kaniya. Tama talaga ako ng piniling damit para sa kaniya.

"Hindi ka pa pala nagpprepare, Love?" takha niya akong tinignan.

Nanlaki yung mata ko na parang nabuhayan. Shit. 

Bigla kong napagtanto kung anong oras na! "Late na pala ako." panic kong sabi. "I'm sorry, hindi ako nakapagluto. Hindi ko namalayan yung oras."

"Okay lang, Love! Pwede naman tayong kumain sa labas before tayo pumuntang office." masigla niyang sabi. Kakaiba ang sigla niya ngayon, kanina ko pa napapansin. Maganda yata yung gising niya. Sana ako rin, nakng. Ang sama yata ng pakiramdam ko. "Kaya lang sana half day lang tayo mamaya. May pupuntahan tayo."

"Where?"pupuntahan? Hindi ba pwedeng dito na lang ako sa kwarto ko? Dito na lang ako magttrabaho sa laptop ko, hindi na ako aalis.

"You'll know later." sagot niya nang nakangiti. "Since this day is so special to me."

"Anong meron?" walang kagana gana kong tanong pero naccurious kung saan niya ako dadalhin. 

Pero imbes na sagot kaagad yung matatanggap, kunot ng noo at halukipkip ang nakuha kong reaksyon at sagot. "You don't remember anything?"

Nahihirapan akong mag isip kung anong meron ngayon. Ni hindi gumagana yung utak ko sa sobrang hilo at sama ng pakiramdam ko. Ano nga bang meron ngayong araw? Anong araw ba ngayon? 

Kapag nalaman ko yan mamaya, ako na mismo sasagot sa sarili kong tanong. Wala lang talaga ako sa wisyo ngayon. Ang sakit pa ng ulo ko. 

Ganito pala talaga kapag tinamaan ka ng masamang pakiramdam. Kahit gaano ka matandain at workaholic, walang wala kang mattrabaho at matatandaan na details. Kahit anong pilit mo.

Hindi ko maiwasang maubo sa harap niya, pero tinakpan ko naman yung bibig ko. Parang ang kati kati ng lalamunan ko. Ang bigat bigat pa ng ulo ko lalo na kapag ginagalaw ko yung mata ko sa iba't ibang sulok ng bahay. Kahit sa pag ubo ko, sumasakit yung ulo ko.

Tangina. Ang bilis ko talagang dapuan ng sakit.

"Wait." kunot noo niya akong tinitignan ngayon. Ano na naman ba, Amber? "Are you alright, Love?"

"Yep—" bigla niyang kinapa yung noo ko. Parang sinusubukan i-check yung temperate ko. 

"Masama pakiramdam mo 'no?"

Hindi ako nakasagot. 

"Nilalagnat ka." sambit niya. "Ang init mo."

"Maliligo lang ako. Kung gusto mo akong antayin papuntang office, antayin mo lang ako saglit. Mabilis lang naman ako—"

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now