Chapter 60

407 25 3
                                    

Raven.

Kapit na kapit sa braso ko ngayon si Amber habang nasa tapat kami ngayon ng bahay, hindi pa nakakapasok. Kung kanina ay nakaka kapit lang siya sa akin, ngayon ay parang mas lalong humigpit na parang nangangamba. 

"Let go, Amber." bulong ko sa kaniya. 

"No."

"Amber. Nasa tapat na tayo ng bahay."

"But I can't, Love." 

Malalim akong napabuntong hininga.

Hinayaan ko na lang.

Palapit kami sa direksyon ni Luella pero nahila ako pahinto ni Amber. "Saan tayo pupunta?"

"Gusto kong makausap si Luella."

"Pero—"

"She's my friend, Amber. I have to talk to her."

Pero si Luella na mismo yung lumapit sa amin bago pa kami makarating sa direksyon niya. 

"Hello." bati ni Luella sa amin. Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o bubusangot saming dalawa pero sinubukan naman niyang ngumiti.

"Luella." ngiti kong tawag sa kaniya. "Kanina pa ba kayo?" 

Naramdaman ko na lang na biglang humigpit yung yakap niya sa braso ko. "Love. . ." nabaling yung atensyon ko sa kaniya na hindi maipinta ang mukha ngayon. 

"Bakit?"

"Hello. . . .Amber." seryosong bati sa kaniya ni Luella. 

"By the way, Amber. This is Luella—"

"I know." sambit niya habang nakatingin kay Luella na titig na titig, hindi ngumingiti. 

Alam niya? Nakita niya na ba si Luella noon? 

"Luella, this is Amb. . ."

"I know." sambit niya habang titig na titig rin kay Amber.

Napakunot yung noo ko. Nagkita na ba sila at parang kilala na nga nila yung isa't isa?  

"Nagkita na ba kayong dalawa?"

"No." mabilis nilang sagot nang sabay. Paano kayo nagkakilala? 

"But why—"

"Alam ko lang." sabay nilang nasambit na naman.

Anak ng.

Ngayon ko lang talaga napagtanto na may pagkaparehas sila ng ugali. Kahit sa pagsagot ay pareho. 

Napatikhim ako para senyasan silang dalawa na tumigil na sa pagtitig sa isa't isa na hindi ko malaman kung nag uusap ba sila sa utak nila o nagpapatayan sa titig na hindi ko alam.

Anong meron at bakit parang hindi na nila agad gusto ang isa't isa? Nagkita na ba 'tong dalawa para maging ganito sila? 

Si Luella na lang ang umiwas ng tingin. 

"Kanina ka pa ba?" tanong ko kay Luella ulit dahil hindi niya sinagot kanina yung tanong ko.

"No." mabilis na sagot ni Luella na may blangkong ekspresyon. 

"Si Ronan?" excited kong tanong. "Kasama mo ba?"

"Of course." sagot niya. 

"Nasaan?" 

"Nasa loob."

Dumulas yung kamay ni Amber papunta sa kamay ko. Pinag krus ang dalawang kamay namin. 

Hinayaan ko na lang. 

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now