Chapter 34

249 22 8
                                    

Eleven.

Nakaupo lang kaming tatlo dito sa dining table. 

Walang nag iimikan. 

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa asawa ko kung bakit nandito si April sa condo nang hindi niya alam. Hindi ko rin naman inexpect na dito tutuloy 'tong si April.

Ilang beses ko pa namang pinaliwanag sa kaniya nung gabing umalis ako na hindi dahil tungkol sa babae yung pag alis ko ng bahay kundi para sa kaniya. Para hindi na mag suspetya yung boyfriend niya saming dalawa.

Ngayon. . . parang pakiramdam ko nagsinungaling ako sa kaniya. Nahuli akong kasama si April. Para akong may kasalanan ngayon kahit wala naman talaga.

Alam kong alam naman niya na magkaibigan lang kami, pero yung ilong niya parang umuusok sa inis kanina pa. Parang nangangain pa yung mga tingin niya. Nakakatakot. 

Wala naman akong ginawang masama, asawa ko. Huhu.

Habang umuusok yung ilong niya, yung katapat niya namang babae, ngingisi ngisi. Parang may balak pang mang asar nang mang asar. 

Nakng. 

Sa dinami dami ng pwede niyang mahuli na babae sa condo ko, yung kaibigan ko pang malakas mang asar yung nakita niya. Na parang walang balak sabihin yung totoo sa kaniya kung bakit siya nandito para mang inis lalo. 

Mas iistressin talaga ako nito, sigurado. Pisti!

"K-Kain na, asawa ko." sinandukan ko siya nang nanginginig yung kamay sa kaba. Titig na titig parin siya kay April.

Dapat natutuwa ako ngayon na nandito siya sa harapan ko, binibisita ako at nakikita yung presenya niya pero dahil umuusok yung ilong niya sa inis, mukhang huwag na lang pala kung ganto.

"Why the fuck are you here?" diretso niyang tanong kay April na ikinalunok ko ng laway sa kaba. 

Mukhang anytime from now, bugbog sarado na ako. "Asawa ko—" pinandilatan niya ako ng mata. Hindi ako pinagsasalita, gusto niya mismo kay April makakuha ng sagot. Nakng.

"Kahit naman sabihin ko sa'yo, hindi ka maniniwala eh." mapang asar niyang sabi. Para akong nakakita ng duplicate na Klarisse. Hindi siya natititinag sa kaharap niya kahit nakakatunaw yung seryosong tingin ng asawa ko.

"Why. Are. You. Here."

"Asawa ko—" tinignan ako ng asawa ko, nananakot na naman na tumigil ako sa pananalita kundi pasasabugin niya yata yung bibig ko ng bomba. Pambihira!

"We had sex." anak ka ng. April! "Diyan sa sofa, doon sa kitchen counter, sa kama, sa CR, sa tabi ng TV, sa tabi ng cactus plant niya, sa pinto, sa bintana, sa terrace, kahit dito sa hapag kainan, ginawa namin." 

"APRIL!" sigaw ko sa gulat. Anak ng! Anong sinasabi nitong babaeng 'to? 

Ngingiti ngiti lang siyang nagkibit ng balikat. Walang pake sa magiging kahitnan ko sa mga sinabi niya. 

Nakakainis!

Para tuloy akong nanghina sa sinabi ni April. Sigurado akong paniniwalaan siya nitong katabi ko. Aawayin na naman ako nang malala.

Yung atmosphere namin, parang apoy na nagbababaga pagkatapos tapunan ng gasolina.

Sira ulo kasi 'tong si April!

Hindi ko alam kung paano ko dedepensahan dahil yung mukha ng asawa ko, parang malapit na magbuga ng apoy sa bibig.

"Asawa ko—"

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon