Chapter 11

108 16 2
                                    

Eleven.

"Onse," excited yung boses ni Uno sa kabilang linya. Ano na naman ba gusto nitong sabihin? "Pre pre pre pre."

"Ano?" Irita kong tanong. 

Tinaasan naman ako ng kilay nung nagtitinda ng isda. Sinenyasan ko siya na hindi siya yung kausap ko. Yung nasa telepono. 

Namimili ako ng isda habang hawak hawak ko yung cellphone. Namamalengke ako ngayon dahil wala na stock yung refrigerator ni Amber. Wala na siyang makakakain sa bahay. 

"Pre!" ayusin niya lang, dapat importante yung tinawag niya. Nakng.

"Tangina mo, bilisan mo! Kapag nanakawan ako ng cellphone dito sa palengke, ikaw yung sisisihin kong hayop ka." inis kong sabi dahil hindi man lang siya nagsasalita kung bakit.

"Bakit ka nasa palengke?" tanong niya.

"Wala ng kakainin?" sarkastiko kong sagot. "Ano pa ba gagawin ko dito? Makipagtitigan sa mga isda?"

"Kasi si Six!"

Kunot noo naman akong nagtakha. Ano na namang nangyari? "Bakit?"

"Nag away kami."

"Ano na namang ginawa mo?" tanong ko. 

"Mainit yung ulo non kanina." kwento nya. "Gusto ko lang naman tumulong."

"Tapos?"

"Nagalit lang sa akin."

Napairap ako. May sinabi na naman siguro 'tong katangahan kaya nagalit yung isa.

"Natanggalan ng bracket sa braces." simula niya. "Bumili ako ng glue gun. Ako na nga yung gumastos para madikitan siya ng bracket, nagalit pa sa akin. Gago ba siya?"

Anak ng. 

"Ako na nga 'tong nagmagandang loob kaysa pumunta pa siya sa dentista niya. Gagastos na naman siya. Mighty bond lang naman yung katapat non."

Napahawak ako sa ulo ko. Ang tanga.

"Ako na nga yung concern dito, ako pa yung inaway. Hindi kami nagpapansinan ngayon."

"Oh bakit ako ngayon yung tinawagan mo?"

"Kasi. . . kakampi kita?"

Pinatayan ko siya ng tawag. Nakng.

Glue gun? Gago ba siya? Ano siya dentista? 

Tinawagan niya ulit ako pero hindi ko sinagot.

Kung hindi ko siya pinatayan ng tawag, hanggang ngayon siguro namimili parin ako ng isda. Nakapamili na ako ng baboy at manok. 

Pero habang bumibili ako, hindi parin matigil sa pag ring yung cellphone ko. Tawag nang tawag si Uno.

Hindi ko na natiis kaya pumunta ako sa safe na lugar. "Ano bang problema mo?"

"Bakit ka ba biglang nagbaba ng tawag?" inis na tanong ni Uno. "Hindi na ba kita kakampi?"

"Tangina mo, Uno. Glue gun? Gago ka ba?"

"Kapag narinig 'to ni Four, pagagalitan ka. Mura ka nang mura."

"Ikaw ba si Four?"

"Hindi!"

"Edi, tangina mo."

"Bakit ba kasi, glue gun na nga yung inooffer kong tulong kasi namomroblema na sa sakit ng ipin yung isa. Malamang tutulungan ko dahil kaibigan ko."

"Dentista ka ba?"

"Kaibigan."

Nakng.

Pinatayan ko siya ng tawag.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon