Chapter 33

216 21 19
                                    

Eleven.

"Let's go out for a drink, Chris?" tanong niya sa akin na katabi ko ngayon sa kotse. Pinagmamaneho ko siya dahil gabi na. Mahirap na at kung anong mangyari sa kaniya sa daan. "You know, before tayong umuwi sa condo ko?"

Sa katunayan, isa sa malaking rason kung bakit ako nandito kasama si Brie at ihinatid siya sa condo, dahil gusto kong makahanap ng excuse para makaalis sa sitwasyon naming apat kanina. Nilakasan ko yung loob kaninang umalis kahit na nagbabaga yung mga mata niya samin nung dumaan kami sa kinatatayuan nila.

Nag ipon talaga ako ng lakas ng loob kanina. Hindi biro yung mga tingin niya. Nakakatuliro kung iisipin.

Gustuhin ko man na huwag umalis, asawa ko, pero kailangan. Tinutulungan lang rin kitang lusutan na huwag malaman ni Black na kasal tayo. Alam kong may rason ka kung bakit ayaw mong ipaalam na kasal tayo at ayaw kong masira yung mga plano mo.

Alam ko namang maiintindihan mo yung rason ko kapag nagpaliwanag ako sa'yo.

"I'm sorry, Brie." sinsero kong sabi habang nasa daan yung tingin ko. Alam kong hahanapin ako ng asawa ko sa bahay, hindi ako pwedeng malate. "I can't."

"Come on, kahit saglit lang!" excited niyang aya. "Pinuntahan talaga kita doon so I can spend my day with you."

"I'm really sorry, Brie." hingi ko ng paumanhin. "I really can't. Hindi ako pwedeng magdrive nang nakainom and gabi na rin kasi."

Natahimik siya saglit. Hindi agad nakapagsalita.

"Okay." malungkot niyang sabi. Natahimik siya saglit na parang may iniisip na malalim. Nagalit ko ba siya? "I missed you, Chris." ramdam ko yung sinsero sa boses niya. "Ang tagal na kitang hindi nakita. Ang tagal na nating hindi nakakalabas, you don't even answer my calls and my text."

Huminga ako nang malalim. Para naman akong nakonsensya sa mga narinig ko. Pinag aantay ko pala siya sa mga messages niya. Kaya lang, kapag nakikita kasi ako ng asawa kong kausap siya, nagsasalubong na yung dalawang kilay niya agad. Kaya ang ending, hindi ko siya sinasagot. 

"Kailan ba ang annulment niyo?" tanong niya. "Naiinip na ko."

Para naman akong biglang nainis sa narinig ko. Bakit kailangan niyang itanong yun sa akin? "What do you mean?" bakit bigla naman niyang nasambit yan? 

Naramdaman ko yung kamay niya sa binti ko. Nakng. Tumaas tuloy yung balahibo ko sa gulat. "I really want you, Chris. I really do. I know it sounds crazy but I am willing to wait for you. Aantayin kong mapawalang bisa yung kasal ninyong dalawa. Sasaluhin kita."

"Brie—"

"Sa totoo lang, when we first met, I was just trying to sleep with you. Naalala mo pa ba yun? Yung una nating kita?"

Sino ba naman hndi makakaalala nung araw na yon? Na-admit ako sa hospital. Grabe yung naging pagsubok ko nung araw na yon at hindi na yun mawawala sa isip ko. 

"You don't know how much I was attracted to you then. Nakakahiyang sabihin, but you really made me horny when I just saw you the first time we met." natatawa niyang sabi. "You really have that, yung strong sex appeal."  

Hindi ko alam kung mahihiya ako sa mga naririnig ko o makokonsensya dahil alam ko kung anong ibig sabihin nito. Nagcoconfess siya ng nararamdaman niya. 

And I'm really sure that I can't reciprocate her feelings for me. Hindi ko kayang panindigan yung nararamdaman niya sa akin dahil hindi siya ang mahal ko. 

"You know when we went out, it was the happiest day of my life. You made me feel special. You made me feel things that I never felt before with anyone. Sobra mong pinaramdam sa akin na kahit na hindi ako perpektong tao, I am still perfectly imperfect."

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now