Chapter 42

224 18 3
                                    

"Hindi naman ako yung umiri diyan kay Rufus." giit ni Luella kay Raven. Napangisi naman siya sa kausap, 'kailangan pa bang banggitin yan?' "Si Ronan lang naman yung niluwal ko diyan, napaka hirap pa. Pagkalaki laki."

Hindi niya alam bakit siya natawa sa pagkakasabi ng kausap. Parang masama pa ang loob na nanganak siya ng bata.

"Nanganak ka ba nang may sama ng loob?" biro naman na tanong niya. "Ayaw mo ba kay Ronan?"

"Sinong may sabi?"

"Halata."

"Gago ka ba?"

Tumawa naman siya habang pinipisil yung bewang ni Luella. Hindi parin sila kumakalas sa posisyon na parang magkayap. "Kahit naman may baby ka na, maganda ka parin."

Napangisi naman si Luella. Hindi pinapahalata na medyo kinilig siya sa narinig. Gusto niya palaging naririnig yung mga salita na yun dahil napaka halaga nun lalo na sa katulad niyang may anak na.

"Obvious naman." sambit ni Luella habang inaayos yung buhok niya. Nagtatakha siya bakit niya sinusuklay yung buhok dahil palagi naman niyang inaayos yun. "Cut your hair."

Hinipan niya yung buhok na sumasagad na noo niya. "Do I really need to cut my hair?" tinaasan naman siya ng kilay ng babae. "Let's see kung kailan ako magkakaroon ng time."

"Gusto mo ba ako na?"

Mabilis naman siyang umiling. Naalala niya yung huling gupit sa kaniya nito, pangit. Ayaw na niyang mangyari ulit yun dahil nagmukha siyang gago na parang hindi namamahala ng malaking kumpanya.

"I have time." pilit pa ng kausap.

"Okay lang na huwag na."

"No, seriously. I can cut your hair."

"Oh my God, get a room!" rinig nilang bulyaw. Napalayo silang dalawa na parang nahihiya sa nakita ni MM. Napapayuko siya ng tingin dahil nakapamewang na ang kapatid na nakatingin sa kanilang nagtatanong.

"I thought you were on the shower?" sambit naman ni Luella sa kaibigan.

"Yeah, hindi naman ako forever na nandoon?" mataray na tanong nito. "Seriously, magkaibigan lang ba talaga kayong dalawa?"

"Of course." sabay nilang sabi.

"It doesn't look like—"

"We're just friends, M." seryoso namang sabi niya sa kapatid. Magkaibigan lang silang dalawa, yan ang pagkakakilanlan nila sa isa't isa simula ng naging maging close sila sa isa't isa.

"Ha ha." sarkastikong tawa ni MM na may pag irap pa. "Rufus, Ronan! You need to shower na, tomorrow ulit magplay." tawag niya sa mga bata.

Tinignan siya ni Luella. Parang alam niya na yung mga tingin na yun kaya tinaasan niya ng kilay. "Ikaw na bahala magpaligo sa mga bata ha." ngumiti naman 'to nang parang nang uuto.

Ngumiwi naman siya. "Hah! Ganyan naman kayo, ako lahat sa pag aalaga." malumanay niyang biro sa kausap. "Pati pagpapalit ng diapers simula nung baby pa lang, ako lagi." reklamo niya pero kindat lang yung naging sagot sa kaniya na parang nang aasar pa.

'Nag anak pa kayo kung ako lang lahat mag aalaga!'  bulyaw niya sa isip niya.

Kinuha niya yung mga bata na ayaw parin magpaawat sa paglalaro. Napaka hirap para sa kaniya na mag alaga ng dalawang lalaking makukulit. Nakakahingal, nakakapagod. Parang gusto niya na lang ng dalawang babae na anak pero hindi niya kayang magreklamo ng sex/gender na binigay ng Diyos dahil malaking gaan naman ng pakiramdam at malaking saya yung dinulot nila sa kaniya.

Walang wala yung pagod at hingal sa pag aalaga dahil isang malaking sarap at ginhawa sa pakiramdam kahit makita mo lang sila.

Dahil hindi niya mapilit yung mga bata, kinarga niya na yung dalawa na parang nagrorole play na isa siyang superhero. Imbes kasi na pagalitan niya yung mga bata, gusto niya gawing light lang yung pag aalaga dahil baka hindi maging maganda yung kalalabasan kapag lumaki itong mga 'to.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now