Chapter 62

331 19 3
                                    

Raven.

Hindi ko alam kung saan ako nakakakuha ng ganitong klaseng energy para gumising nang maaga para magluto ng almusal naming dalawa. 

Parang ganadong ganado akong magluto kahit ang aga aga pa lang. Tila sinaniban ako ng dati kong sarili kung makaluto ako nang ganito kasipag.

Oo, nagluluto na naman ako nang ganito kaaga. Madalas nung simula akong dumating dito, parating bili na lang kay aling Pepang pagka galing ko sa pagjjogging o minsan si Amber na mismo nagluluto ng almusal namin kapag siya yung nauunang magising.

Minsan na lang ako makapag luto. Parating puyat, maraming inaasikaso sa trabaho lalo na't iba ang timezone sa America at dito. Bukod lang rin yung ginagawa ko sa opisina ni Amber.

At sa minsang 'to, ibang klase pa yung nararamdaman kong energy.

Para talagang energy ng dati kong sarili na ngingiti ngiti kahit wala namang dahilan. Masigla magluto nang ganito kaaga kahit alam kong mukhang tanga. 

Siguro nagugutom lang ako. 

Hay, ewan! 

Minsan na lang rin kasi ako magluto kaya siguro ganito ako magluto, sabik na sabik . Yun siguro yung rason.

Lingon ako nang lingon sa itaas, sa mismong pinto ng kwarto ni Amber. Habang nakahalukipkip akong nakaupo dito sa dining area. 

Gising na ba 'yon?

Hindi pa ba yun bababa?

Mamaya pa ba yun? 

Late na ha. Hindi pa din bumababa.

Nakapagluto na ako, wala padin. Ni kaluskos sa loob ng kwarto, wala akong marinig.

Ilang beses na akong lingon nang lingon sa pinto ng kwarto, para na akong tangang nag aantay dito pero wala pa din. 

Anak ng. 

Napakagat ako ng labi.

Bigla kong napagtanto na kanina pa ako hindi mapakali dahil hindi ko lang siya nakikita agad ngayon. Bakit ba iniisip ko 'to? 

Napailing ako. 

Bababa na lang siguro 'yon. 

Bahala siya. 

Hinawakan ko na yung kubyertos at sumubo na. Sa pangalawang subo ko, para akong nakonsensya. 

Pambihira. Ang hirap namang kumain ng ganito na hindi ka mapakali!

Mag antay na nga lang ako. Sabay na lang kami. Baka nalate lang ng gising.

Halos bente minutos na akong nakaupo dito, pero kahit ni isang kaluskos sa itaas ay wala akong marinig. 

Anong oras na, Amber. Malalate na tayo sa opisina. Hindi ka pa ba bumabangon?  

Tumayo ako nang napapailing. 'Di bale na, imbes na mag antay ako dito nang walang ginagawa, maglilinis na lang muna ako dito ng bahay.

Kada map ko, kada walis ko, wala sa sarili akong napapatingin sa itaas imbes na mag antay na lang na makarinig ng footsteps niya. 

Anak ng. Iniiwasan ko naman! Pero hindi ko alam bakit parang gustong gusto ko siyang makitang lumabas na ng kwarto. 

Natigilan ako. Natulalang nakatayo. 

Hindi kaya. . .excited na naman akong gumising para makita siya sa umaga? Kaya ba hindi ako makapagpigil na tingin nang tingin dsa itaas dahil doon?

Mabilis akong umiling. Tinatampal yung magkabilaang pisngi! 

Hindi. Wala, nagtatakha ka lang. Wala lang 'yon.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz