Chapter 40

294 21 9
                                    

Tatlong linggo na simula nung unang tumapak sa America si Eleven.

He's confused.

Scared.

Doubtful.

Sa totoo lang, hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Wala siyang idea kung anong klaseng buhay ba ang mabubuo niya dito. Ni wala ngang kasiguraduhan kung magiging maayos yung buhay niya dito kumpara sa Pilipinas.

Pwedeng maging mas masahol pa yung magiging karanasan niya dito.

He really doesn't know his fate.

Ngayon pa lang na nandito siya sa America, binigyan na siya kaagad ng rason para masaktan ulit. Hindi dahil sa sakit na ibinigay sa kaniya ng asawa niya pero dahil sa pamilyang nawala sa buhay niya.

His grandpa died and he's still in the process of grieving.

Nawala sa kaniya yung pangalawang taong nagbigay ng totoong depinasyon ng isang pamilya.

Pinagkait na sa kaniya ng mundo yun. Binigyan na naman siya ng rason na masaktan.

And he doesn't know when this misery ends.

Pakiramdam niya hindi na matatapos yung sumpa sa kaniya na masaktan nang masaktan. Wala man lang siyang pahinga para sa sakit na nararamdaman niya.

Hindi man lang siya pinagpahinga.

Iniisip niya ngayon na kung tutuusin, maabutan niya yung lolo niya ng buhay kung hindi naging matigas yung ulo niya.

Pinagsasabihan na siya noon na lumayo na at umalis na ng Pilipinas para mabigyan ng oras yung totoo niyang pamilya.

Pinagsabihan na siya nung malakas pa ito. Hindi nga lang siya nakinig.

Dahil nga naman nagmamahal lang siya at hindi niya kayang iwan yung babaeng mahal na mahal niya.

He's so in love with that woman to the point that he doesn't want anyone but her. Even her Lolo. Even her biological family.

He chose someone who doesn't even feel the same way. He chose her kahit hindi naman kayang ibigay sa kaniya yung kailangan niyang pagmamahal.

He should've known better. Kung alam niya lang ang mangyayari, naabutan pa sana niyang buhay ang Lolo. Hindi na sana siya nag aksaya ng panahon para sa taong puro sakit lang ang pinaramdam.

Pinaramdam talaga sa kaniya yung dilim ng mundo. Hindi niya rin alam kung hanggang kelan siya sa dilim na yun.

Nakakamanhid. Tanging galit na lang yung nararamdaman niyang emosyon. Galit sa puso at galit sa ibang tao.

Sabi nga nila, dumadaan ang tao sa isang mahabang stages ng pagluluksa. Hindi lang sa namayapang mahal sa buhay kundi sa iba pang rason.

Wala na siya sa denial stage. Pero mukhang magtatagal siya sa stage na ito, sa galit. Mahaba haba ang proseso nito at walang nakakaalam kung hanggang kailan siya makakarating sa acceptance stage.

Minsan napapaisip siya, bakit siya? Bakit sa dinami dami ng tao, siya yung nakakaramdam ng ganitong klase ng sakit?

Hindi naman kasi makatarungan para sa kaniya yung bigat ng pinapasan niya.

Pakiramdam niya tuloy, nalulunod na siya dahil sa binubuhat niyang bigat sa tuwing sumusubok siyang lumangoy.

Minsan sumagi na sa isip niya na wakasan yung buhay niya.

Hindi na rin niya kasi alam kung ano pa bang rason para mabuhay siya. Wala siyang maisip na rason para bumuo ng panibagong buhay.

Para saan pa? Para saan pa na mag isa na siya?

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now