Chapter 72

321 16 2
                                    

Eleven.

Nag aayos na ako ng gamit ko ngayon dahil paalis na ako ng Pilipinas bukas.

Mga gamit ko lang na importante yung kukunin ko dahil hindi naman ako habang buhay na nandoon sa America.

Isang buwan lang naman.

Narinig kong may nagbubukas ng pinto ng condo ko. Hindi nga ako mali ng inakala na si Amber yung nagbukas at pumasok.

"Hi." matipid na ngiti kong bati.

Nakita niyang may mga hawak akong gamit na ilalagay sa maleta. Nakita ko kaagad yung balikat niyang bumagsak. Nalungkot.

"Tuloy ka na talaga."

Dahan-dahan akong tumango at tipid na ngumiti.

"How's your work?" baling kong tanong. "Kumusta ka? Napagod ka ba?"

Umupo siya sa kama ko na malakas na bumuntong hininga.

"Okay lang, Love."

"Mukha yatang malungkot ang mahal ko." lambing kong sambit sa kaniya. "Are you okay?"

Ngumuso siya na emosyonal akong tinignan. "Dapat kasi kasama ako sa'yo bukas."

"Oo nga eh." sagot ko naman. "But you have work here."

"That's the problem."

"Mahal. . ."

"I hate that I can't even go with you tomorrow." inis niyang sambit sa sarili. "Fuck my work."

"Kailangan ka kasi talaga dito, mahal." sambit ko. "Humingi na ng sorry si Klarisse satin 'cause she can't vouch for you for this. Hindi niya pwedeng kunin yung trabaho mo dahil tambak siya ng trabaho."

"But I wanna be with you, Love. Gusto kong sumama sa'yo." tumingin siya sa mga mata ko na parang nanghihingi ng tulong para masolusyunan 'tong kagustuhan niyang sumama.

"They need you here, mahal." mainahon kong sabi. "Kailangang kailangan ka talaga nila at kailangang kailangan rin ako ng trabaho ko sa America."

Nag empake na ulit ako kahit na medyo nakokonsensya akong mag empake dahil nakatitig siya sa akin habang ginagawa ko 'to.

Sinubukan niyang tulungan ako pero hindi na ako pumayag at pinaupo na lang siya sa kama ko dahil gusto ko rin siyang makapagpahinga at kagagaling lang niya rin sa trabaho.

"Sanay na akong nasa tabi na kita ngayon, Love." rinig kong sambit niya. "Tapos mawawala ka na naman sa tabi ko bigla."

Malalim akong napabuntong hininga.

Naiintindihan ko naman kung bakit ganito na lang mag react si Amber ngayon. I left her for years yet she's still here for me, loving me unconditionally.

Masyadong mabigat na para sa kaniya yung ganitong bagay.

"You're leaving me again." wala sa sarili niyang nasambit.

"Pero ang pinagkaiba naman ng dati sa ngayon, babalik ako ng girlfriend parin kita."

"Pero pareho lang rin na iiwanan mo ako rito."

Malalim akong huminga at mainahong tumabi sa tabi niya. Hinawakan ko yung kamay niya at napasandal naman siya sa balikat ko na emosyonal. Tumigil muna ako mag empake dahil halata na sa mukha niya na hindi na niya nagugustuhan yung tungkol sa pag alis ko bukas.

"I'm sorry, mahal." hingi ko ng dispensa. "Kailangan ko lang talagang umalis."

Humigpit yung hawak niya sa kamay ko kaya hinalikan ko siya sa ulo niya.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now