Chapter 31

200 19 11
                                    

Eleven.

Para yatang sasakit yung ulo ko ngayon. 

Kanina pa ako tinatadtad ng asawa ko ng text messages kahit na kaalis ko pa lang halos. 

Parang kada five minutes, pinapaalala niya sa akin na huwag akong malalate mamaya. Huwag daw ako kung saan saan pupunta. Huwag ko daw subukan at naka GPS yung kotse niya.

Alam ko naman yun, asawa ko. Kaya lang pang ilang message na. Gusto ko lang naman magmaneho nang maayos, baka naman mabangga ako kakabasa at kaka reply ng message mo.

Hindi niya talaga ako tatantanan sa Eleven ng gabi. Kahit kanina nung bago ako umalis, marami siyang pabilin sa akin. Hindi ako nakaalis agad dahil pinapaalala niya sa akin lahat ng hindi ko pwedeng gawin at dapat kong gawin habang wala daw siya sa tabi ko. 

Halos ayaw niya akong paalisin talaga kanina nung nandoon pa ako sa opisina.

Magtext daw ako kapag nakarating na ako sa location ni Six.

Magreply daw ako kapag tinetext niya daw ako.

At napaka rami pang iba.

Kapag hindi daw ako nagtext, huwag na daw akong umuwi ng bahay. Hindi na niya ako tatanggapin. Mga ganung bagay.

Paano ko ba rereplyan yung parang spam niyang messages na dapat makauwi ako bago mag 11pm? Ang hirap kayang replyan lahat.

"Kanina ka pa nakatutok diyan sa cellphone, parekoy." baling ko sa atensyon kay Six na busy mag empake. Kahit na nandito na ako sa bahay ni Six, hindi pa din ako tinitigilan. Sigurado daw ba ako na bahay ni Six yung pinuntahan ko ngayon. Nakng. 

"Sino yan? Girlfriend mo?"

"Mukha ba akong may girlfriend?" sarkastiko kong tanong. "Yung asawa ko 'to."

"Bakit daw?" takha niyang tanong. Nangunguwestyon yung tingin. "Bawal ka bang lumabas?" natatawa niyang naitanong.

Awtomatikong tumaas yung kilay ko sa inis. "Bakit ka tumatawa diyan?"

Umiling siya. "Wala lang."

"Ulol. Ano nga?"

"Eh kasi. . ." pinipigilan niyang matawa. ". . .yung thought na parang ginagawa kang bata na bawal lumabas. . .naiimagine ko."

"Mukha ba akong pinagbawalan?" tanong ko. "Nagtetext lang siya na dapat masundo ko siya bago mag 11pm sa opisina."

Tumango naman siya. "Akala ko naman pinagbawalan ka."

"Bawal lang malate." dahilan ko.

"Akala ko kinukulong ka lang sa bahay eh." sambit niya. "Madalang ka na lang lumabas kasi."

"Hindi na ngayon." sagot ko. "Nagtatrabaho na ko sa opisina."

"Akala ko forever ka ng house husband eh."

"Ulol." mura ko kahit naka focus parin ako sa asawa kong hindi ako tinatantanan sa text.

paano kapag trapik mamaya?

Mabilis niya ko na nireplyan na parang kidlat.

lumipad ka.

Napabungisngis ako sa text niya. Ang kulit ng sagot.

mukha ba akong si batman?

Nireplyan niya ulit ako kaagad.

bobo. batman can't fly.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now