Chapter 45

219 14 1
                                    

Tinapos niya muna yung ribbon cutting at napagdesisyunan niyang ikansela lahat ng schedule niya ngayong gabi. Gusto niyang humingi ng sorry sa kaibigan nang personal dahil hindi niya kayang tiisin ito nang may sama ng loob sa kaniya buong araw. Bibisitahin niya sa bahay para makausap. Hindi naging maganda yung pag uusap nila at hindi naging maganda yung mga nabitawan niyang salita kanina kaya ang gusto niya sana ay makausap siya kaagad ngayong gabi.

Pero bago siya pumunta sa bahay ni Luella para mag sorry, dumaan muna siya ng mall para bumili ng bulaklak at cake. Naisipan niyang bilhan ang kaibigan nito dahil minsan nakukuha niyang kunin yung loob ni Luella kahit mabigyan mo lang ng flowers at paboritong blueberry cheesecake.

Ngayon, susubukan niyang kunin yung loob para hindi na magalit sa kaniya. Naniniwala naman siya na kaya niyang makabawi ngayong gabi kahit papaano basta lang na meron siyang dalang cheesecake at bulaklak.

Habang nakatuon yung atensyon niya sa mga cake, may babaeng lumalapit sa kaniya na nakatitig nang maigi. "Chris?"

Nanlaki yung mata niya sa narinig na pamilyar na boses. Natuon yung paningin niya sa babaeng malawak na nakangiti sa tabi niya. "Is that you?"

Anak ka ng.

"B-Brie?"

"OMG!"

Pagkakataon nga naman.

Niyakap kaagad siya ni Brie nang mahigpit. "Good to see you!" sambit niya pagkalayo sa kaniya. "Gosh, it's been a long time!"

Halo halo yung nararamdaman ngayon ni Raven. May parte sa kaniya na hindi siya natutuwa na nakakita na naman siya ng kakilala niya sa nakaraan niyang naging buhay. Para sa kaniya, para bang binabastos na siya ng tadhana. Unti unti nga namang gumagawa ng paraan para lang maipaalala sa kaniya lahat ng nakaraan niya.

Hindi nga lang pinapaalala, unti unting binabalik.

"How are you doing? Ang tagal na kitang hindi nakikita!"

I know.

"Oo nga, ang tagal na." sana hindi na lang. "I'm good. Ikaw? How's life going?"

"Okay lang rin ako!" ngingiti ngiti parin si Brie na sumagot. Natutuwa talaga yung dating kaibigan na makita siya ulit pagkatapos ng ilang taon. "Kumain lang saglit rito tapos nakita kita unexpectedly."

"I see." hindi niya alam kung anong susunod na sasabihin. Para bang umurong yung dila niya at nawalan ng sasabihin. Hindi niya kasi ito inexpect na mangyayari bigla. Hindi man lang siya nakapaghanda katulad nung nakita niya si Klarisse.

Napansin naman ni Brie na may hawak siyang bouquet na flowers. Sigurado siya na may pagbibigyan ito na taong espesyal sa kaniya. "Hala nagkabalikan rin kayo ni Amber?"

Para siyang sinuntok sa mukha ni Brie dahil sa naging tanong sa kaniya. Paano niya naisip na nagkabalikan kami? Anong pumasok sa utak niya?

"I'm so happy for the both of you!" natutuwa pang sabi ni Brie. Mas lalo tuloy siyang hindi nabigyan ng pagkakataon na iklaro na mali siya ng iniisip. "Seriously, I'm genuinely happy for her and for you." sinserong sabi pa ng kausap na mas lalong ikinatulala niya.

Bago ito sa kaniya. Bago yung Brie na kausap niya ngayon at bago rin yung naririnig niya sa kausap. Nung huling kita nila, yung muntik na may mangyari sa kanila. Para bang hindi niya kilala yung kausap dahil hindi naman ganito yung personalidad ni Brie.

Mas better kumpara sa nakaraan.

"Ang tagal rin nag antay yun sa'yo." kwento pa ni Brie. "Ilang beses ka niyang hinanap sa kin noon. Hanap nang hanap talaga yun sa'yo but good thing talaga nagkabalikan na rin kayo."

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now