Chapter 50

425 20 0
                                    

Kumislap ang mga mata ni Amber nung nakita niya si Raven na kakalabas lang galing sa kwarto. Kanina niya pa gustong makita ito. Gustong gusto niya na sanang pumasok sa kwarto ni Raven pero baka iniisip niya na baka magalit sa kaniya. Mapasama pa siya sa taong sinusuyo niya.

"Hi, Love."

Tipid siyang nginitian ni Raven at umiwas agad ng tingin. 

Hindi niya alam kung paano niya kauusapin ngayon si Raven. Gustong gusto niyang makausap ito nang matagal, gustong gusto niyang makuha yung atensyon nito. Pero hindi niya alam kung paano. 

"Love." tawag niya pero tinignan lang siya sa mata saglit. 

"Kumusta ka na?"

Kumunot saglit yung noo ng kausap. "Natanong mo na ako niyan kahapon." sambit nito na parang hindi interesadong ulitin uli ang isasagot sa kaniya. 

Hindi kasi naging sapat yung naging sagot ni Raven sa kaniya kahapon. 

Gusto niya detalyado, gusto niya may makukuha siyang kahit na anong impormasyon galing sa kausap niya nung mga panahong wala ito sa tabi niya dahil interesado itong makinig kung ano ba talagang nangyari.

"I'm fine, Amber." sagot lang nito. "Sana ikaw rin."

Hindi siya nasatisfy sa naging sagot ni Raven. Pero hindi niya alam kung paano ito i-bring up ulit dahil iniisip niya baka makulitan na sa kaniya.

Pero kailangan makagawa siya ng paraan.

She really wants to talk to him. She is dying to talk to him at bumubwelo siya sa kahit na anong paraan para lang makuha yung gusto niya.

Gustong gusto niya talaga makapag usap sila.

Ganon katindi ang pagkamiss niya sa taong nandito na sa harap niya. Lahat ng tungkol sa kaniya, sobrang miss na miss niya. 

Pero kahit na alam niyang nasa harapan niya na si Raven, may mga bagay parin siyang namimiss sa kaniya. Mga bagay na hindi niya alam kung kailan niya makikita ulit. 

She misses how chatty he was. Yung mga random na bagay na hindi aakalain na pakikinggan niya noon. Yung kakulitan ng isang Eleven na nakakapagpa inis sa kaniya pero ikinakatuwa niya rin dahil napapatawa siya paminsan minsan non. 

His bubbly personality, and his bright smile whenever they talk. 

She misses how sweet he was. 

Yung mga bati sa kaniya nito ng 'Good morning, asawa ko!' tuwing bumababa siya galing kwarto na may nakahanda ng pagkain pagkababa. 

Yung paghilot nito ng paa sa kaniya pagka galing ng trabaho. Alam kasi nito na mahirap ang naka heels kaya para marelief ang pakiramdam niya, minamasahe niya kahit saglit. 

Yung pag alaga sa kaniya tuwing may dalaw siya dahil alam nito kung gaano kahirap sa kaniya kapag may period siya. Sobrang hirap dahil laging masakit puson niya. 

Yung pag uwi niya rin, may nakaabang ng isang Eleven na nakangiti at kukumustahin kung anong nangyari sa trabaho at kung anong ganap sa buong araw niya.

Yun ang mga katangiang mas nakapagpa lalim ng nararamdaman niya noon na hindi niya agad pinansin.  

Pero mukhang mahihirapan siyang makita yun ngayon. Mahihirapan siyang makita yung dating Eleven na minahal niya nang husto.

Because he looks different now.

He looks gloomy and stress. He doesn't look uptight or cold, nararamdaman niya nandoon parin yung taong minahal niya at minamahal niya ngayon. Sa ngayon, 'di siya mukhang okay dahil ang lungkot lungkot ng mga mata niya. Parang ang daming pinagdadaanan.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now