She keeps telling me how she wants Luella for me. Hindi parin siya natatahimik tungkol kay Luella at sinusubukan parin akong kumbinsihin tungkol sa kaniya.

"I said no, mom. Please respect what I want for myself. Hindi si Luella yung gusto ko." pagpapaliwanag ko nang mas seryoso yung boses. "Please be kind to her, she's my girlfriend."

"Ilang beses ka niyang sinaktan."

"But I forgave her."

"She'll hurt you again." sambit niya na parang siguradong sigurado sa sinabi niya. "Kung nagawa ka niyang saktan noon, kaya niya paring gawin yun ngayon."

Natahimik ako bigla sa narinig. Hindi nakasagot at biglang napaisip ng malalim.

Para bang mabigat yung mga paratang niya kay Amber kaya napaisip na lang ako bigla ng ganito. Hindi ko maiwasang mapaisip.

But I love Amber. I am trying to give us a chance pero may mga thoughts parin akong hindi ko maiwasang isipin.

Paano kung masaktan niya ulit ako? Paano kung saktan niya ulit ako? Paano kung pagsawaan niya ako pero hindi niya lang agad narealize katulad ng kay Black?

"You deserve so much better, anak." sambit niya. "You deserve a better woman."

"No, mom. You're mistaken. She's a great woman."

"Kung hindi man si Luella, pwes marami ka pang makikilala sa US. Huwag mong sayangin yung oras mo dito at sa kaniya." sambit niya. "Pero mas maigi sana kung si Luella na lang. You can be with Luella and Ronan, you can build your own family with her sa US. I want her for you, son. Hindi sayang oras mo sa kaniya."

"Marami na akong nasayang na oras, mom." sambit ko. "I wasted six years nang wala sa buhay ko si Amber, ayaw ko ng sayangin ulit 'yon. I want her, mom. She's the person I love. Wala ng iba. Kaya pakiusap sana, stop trying to convince me kasi hindi na mag iiba yung nararamdaman ko lalong lalo na yung desisyon ko."

"But Luella is—"

"She can't make me this happy." seryoso kong sambit. "I love Amber and I'm trying to give this relationship a chance. Please try to respect my decision, Mom. I am not a kid anymore." hindi ko na mapigilang sabihin sa nanay ko 'yon. Masyado na rin akong nakukulitan.

Maburi rin at natahimik siya. Mukhang pinag iisipan niya rin yung mga sinasabi ko sa kaniya kanina.

Hindi si Luella yung gusto ko. Pero parati niyang mukambibig siya simula nung naging magkarelasyon kami ni Amber.

"I was just trying to protect you." paliwanag niya. "Bilang nanay mo, ayaw ko lang masaktan ka ulit ng sobra."

"Naiintindihan ko, mom." napabuntong hininga ako. "But this is what I want. Pagod na akong umiwas para lang protektahan ko yung peace ko. Siya talaga yung gusto ko, kahit ano man yung nangyari noon."

Natahimik siya at mukhang malalim yung iniisip niya.

"So you're really staying here?" seryosong tanong ng nanay ko na parang hindi parin tanggap na dito lang ako sa Pilipinas. "For her?"

"I am, mom."

"How about the company? Who's going to handle it while you're here?" tanong niya. "Hindi ka na ba magtatrabaho?"

"I am going to work but I'll work here in the Philippines, sa laptop ko. Magtatrabaho ako dito sa condo. MM told me na she'll help kapag may mga importanteng trabaho sa US nang wala ako physically." sagot ko. "But from time to time, bibisita ako para mamonitor ko rin yung trabaho. Hindi ko naman pababayaan yung work ko, mom."

Naramdaman ko yung lungkot sa mata ng nanay ko. Parang nalungkot siya na hindi na ako sa US titira.

"Masyado na akong nasanay na nasa America ka. Kasa kasama ka namin for six years." may lungkot sa boses niyang sinabi. Alam ko namang mahirap 'to para sa kanila dahil nasanay na silang kasama ako sa America. Pero kailangan ko lang talaga 'to para sa sarili ko, hindi lang para kay Amber.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now