Tama nga ba talagang hindi ko siya sinama dito? 

Para akong nakaramdam bigla ng konsensya. Nakng. 

They look like they're expecting her to be here today. Parang kinokonsensya nila ako sa mga tingin nila sa akin ngayon. Bakit ba sila ganyan tumingin? 

Eh kahit hindi ko naman siya kasama, nagpaalam naman akong aalis ako. Sa text nga lang. 

"Anong sabi niya nung sinabi mong aalis ka?" tanong sa akin ni Uno.

"Ewan." pinatay ko kaagad yung cellphone ko pagka text ko eh. Kaya paano ko nga naman malalaman kung sinadya kong patayin yun para hindi ko malaman yung irereply niya sa text ko? 

"Paktay." sambit ni Seth. 

"Lagot."

Kunot noo ko silang tinignan. "Bakit parang takot na takot kayo na nandito ako nang hindi ko siya kasama?" takha kong tanong. 

"Nakakatakot naman talaga asawa mo." sagot ni Uno. "Nasanay na lang kami matakot, halos araw-arawin ba naman kaming tanungin noon kung nasaan ka. Isipin mo anim na taon kaming parang naterrorize ng asawa mo. Kaya ganito kami maniguro sa'yo. Kasi siguradong kami yung sasalo ng mga tanong niya, aba!"

Napalunok ako. B-Bakit kailangan niyang gawin 'yon? 

"That's true." singit ni Klarisse na kalalapit lang sa amin. "Halos araw arawin silang tanong tanungin sa sari sarili nilang apartment ng ate ko."

"Bakit naman kailangan niyang gawin 'yun?"

"Desperate times call for desperate measures." ngising sambit niya. "She was really desperate to see you again when you went away."

"You know what," tinaas ko yung dalawang palad ko. "huwag niyo ng isipin si Amber. Hindi naman ako dito titira para ganyan kayo mag react." 

"Syempre kami ang kukulitin ng asawa mo aba."

"Don't let her know then." napaka dali. "Kung kulitin kayo, edi huwag niyong pansinin."

Nakita ko na naman na napangisi si Klarisse at nagsalita. "She'll figure it out."

"Kung hindi niyo sasabihin."

"Kahit hindi pa namin sabihin."

Hindi ako nakapagsalita bigla. Para bang bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi ng kapatid niya na malalaman naman ni Amber kahit walang magsabi. 

H-Hindi pa ba sapat sa kaniya yung thought na nagpaalam ako na aalis ako ngayon? Hindi naman ako tumakas, nagpaalam nga ako eh. 

Baka pwedeng huwag niya naman akong sundan. 

"H-Hindi 'yan." sabay layo ko sa kanila at lumapit na lang sa birthday boy. Kung hindi ako lalayo sa kanila, baka mawindang na talaga ako sa mga pangungulit nila sa akin. 

"Hey, happy birthday." tapik ko sa balikat niya. 

"Huy, Onse! Nandito ka na pala! Kumusta?" ngiti niyang bati sa akin. "Buti nakapunta ka."

"Of course."

"Kung hindi ka talaga nakapunta, magagalit talaga ako." sambit niya. "Ang tagal mo sa America para ma indian mo kami dito ngayon."

"Kaya nga nandito na eh." 

"Nasaan nga pala yung asawa mo?"

Anak ng. 

"Wala, okay? Stop asking her."

"Huh? Bakit hindi mo kasama?"

"I said stop asking."

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now