"Luella!" napalingon kaming tatlo sa excited na tumawag sa kaniya galing sa loob ng bahay. "We were looking for you! Nandito ka lang pala sa garden." sabi ng nanay ko. Bigla niya kaming napansin na nakatayo na rin sa tapat ni Luella. "Nandiyan ka na pala, anak." sambit niya na hindi man lang tumitingin sa katabi ko. 

"Pumasok na kayo." utos niya samin. "Luella, Halika!" hinila niya yung kamay ni Luella na parang tuwang tuwa na may makakausap na siyang ibang tao bukod samin ng tatay ko. "Marami tayong pag uusapan!" sambit niya pa na parang walang paki saming dalawa.

Mas mahal yata ng nanay ko si Luella kaysa sa akin eh. Tss. 

Excited na excited makausap. Parang hindi nakapag usap nang matagal. Ilang araw lang naman silang hindi nakapag usap nang personal.

Naunang pumasok si Luella dahil hinila na siya ng nanay ko sa kung saan. 

Napansin ko namang lumawag yung pagkakahawak sa akin ni Amber nung nawala si Luella sa harap namin. Napa sulyap ako sa kaniya dahil napansin ko talaga kanina pa na iba yung mood niya pagkauwi naming dalawa dito. Parang nawala sa mood.

Malalim na buntong hininga yung pinakawalan ko ulit. Nahihiya akong magtanong kung anong gumugulo sa isip niya, ni walang planong magsabi o magsalita ngayon. Ang tahimik niya kumpara kanina na kasama ko siya sa mall.

"Pasok na tayo."

Pagkapasok namin, nakita ko yung kapatid ko na excited sumalubong samin. "Kuya!"

"M?" kunot noo kong sabi. "Magkakasama pala kayo ni Luella." katabi niya pa si April na napatayo rin galing sa sofa. 

"Where is Rufus?"

"Nako naglalaro sila ni Ronan."

"Amber!" tawag sa kaniya ni April na parang tuwang tuwa. "Long time no see."

"April." ngiti niyang bati rito. Kumpara kay Luella, mas magaan ang pakiramdam niyang kausapin si April. 

"Kumusta?"

Nginitian siya ng tipid ni Amber. "I'm good."

"Nga pala, this is Michelle. Your husband's—"

"We're not yet married." pagpapatigil ko dahil ayan na naman siya sa husband na tawag sakin. Hindi nga kami kasal na! Ang kulit talaga.

"—sister." kinunutan ako ng noo ni April, sinamaan pa ng tingin. "Shut up, Eleven—"

Anak talaga ng. "I'm Raven. Hindi ka pa ba sanay sa anim na taon na 'yon?" inis kong singhal. 

"Dami mong alam." irap niya sakin. Eh hindi ko na nga ginagamit yung pangalan na yun. Ang tagal tagal ng panahon. "Anyway, she's my girlfriend and she's your sister-in-law."

"It's nice to finally meet you!" masaya niyang niyakap si Amber na parang kaibigan niya lang. Napaka sociable talaga nitong kapatid ko. "You're so beautiful pala talaga. Ang sexy pa! Kaya pala inlove na inlove kuya ko—"

"M!" pinandalatan ko siya ng mata. Anong sinasabi niya? Bakit bigla na lang napunta doon yung usapan? Matagal ng panahon yun!

"Bakit, hindi ba?"

"Ewan ko sa'yo." ayaw na lang manahimik. 

"Magkasama kayong dalawa ni Eleven sa America, April?" curious na tanong sa kaniya ni Amber. 

"Yep. Kaya nakilala ko si MM sa kaniya." sabay titig sa kapatid ko at ngumiti.

"But I asked you so desperately if you know where he is for six years." malungkot niyang nasambit. Napatingin ako sa kaniya, parang nanghina at nanghinayang siya na hindi niya alam. "You didn't tell me."

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now