"Kung hindi ka lang talaga magagalit, ipoposas kita sa kwarto ko para hindi ka makaalis nang hindi ko alam." rinig ko na namang bulong niya sa hangin.

Hindi ko alam kung nananadya ba talaga siyang iparinig sa akin yung mga iniisip niya ngayon o sadyang hindi lang siya marunong i-tone down yung boses niya.

"Ano kamo?"

"Ang sabi ko, takas ka nang takas." hindi naman yan yung narinig ko kanina. "Kung saan saan ka pumupunta." karapatan ko namang umalis kung saan ko gustong pumunta. Hindi naman na ako minor.

"Dito mo na lang ilagay yung susi."

"Paano kung umalis ka na naman?"

"Halos umaga na, Amber. Saan pa ba ako pupunta?"

Inabot na kami nang madaling araw sa daan. Paano ba naman, gabing gabi na ako ginising sa condo ni Six para lang pauuwiin ako dito. Ang hirap hirap kaya makuha ng tulog ko.

"Ewan ko. Baka kay Luella mo."

Luella? Bakit si Luella?

"Luella?"

"Oh, bakit? Hindi mo siya kilala bigla?" sarkastiko pa niyang tanong sa akin.

Anak ka ng.

"She's not even here in the Philippines to begin with."

"Kaya nga gusto mong umalis kasi wala siya dito."

"She's in Korea, Amber." ni hindi nga ako sinasagot ng babaitang yun, hindi ako pinapansin.

"Bakit hindi?" tanong niya na naman nang sarkastiko. "May pakpak ang eroplano."

Parang may umilaw na bumbilya sa itaas ng ulo ko. Nagkaroon ako ng idea.

Ayaw niya akong pansinin, bakit hindi ko nga naman puntahan? Miss na miss ko na rin yung dalawang bata. Pakiramdam ko, pagod na pagod ako tuwing umuuwi ako dito lalo na't hindi ko sila nakikitang dalawa.

She literally gave me an idea.

Pero mukhang nakuha niya yung pinahiwatig ko. "Don't you there, Love!"

Nakuha nga niya yung naisip ko.

"Subukan mo." naiwas ko ulit yung paningin sa kaniyang mata na halos manlisik.

Hindi ko talaga alam kung paano niya nagagawa 'to. Parang may kapangyarihan talaga siyang manakot kahit sa tono lang ng pananalita niya. Minsan talaga nakakainis dahil hindi mo talaga kayang labanan yung awra niyang 'to.

Matatakot ka na lang talaga.

Nabalik ko yung paningin ko nung naramdaman kong lumalapit siya sa akin. Niyakap ng dalawang braso niya yung batok ko at tinitigan ako. Ngayon naman tinititigan niya ako na parang isang maamong tupa. Parang naglalambing.

"W-What?"

"Sorry." tumaas yung kilay ko. Sorry? "Sorry for being a bitch."

Tama ba yung narinig ko? Nagsosorry siya?

"Sorry sa mga sinabi ko."

"Alin doon?"

"Lahat." sabi niya. "Sorry sa pagtataray ko."

Halos magtaasan yung mga balahibo ko sa katawan. Talaga bang nagsosorry na siya ngayon sa pagtataray niya?

"Hindi mo na dapat ako ginising kanina sa condo ni Six."

Dahil sa narinig niya, nakalas yung pagyakap niya sa akin. Tinitignan niya ako nang maigi, punong puno ng emosyon. Maraming gustong sabihin yung mga mata niyang titig na titig sa akin hanggang ngayon.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now