Natutulala parin siya, mas lalong walang masabi sa kausap. Hindi niya kailanman naisip na maririnig niya yung ganitong klaseng balita sa dating asawa.

Nanggaling pa mismo kay Brie.

Para bang nakakaintindi siya and at the same time hindi makaintindi sa kontekstong sinasabi ni Brie. Sa tagal nga naman ng panahon na nagdaan. Wala talaga siyang maiintindihan sa sinasabi at kinukwento ng dating kaibigan.

Mas lalo tuloy dumami yung mga tanong sa isip niya. Gulong gulo na.

Naramdaman naman ni Brie na nanahimik lang si Raven pagkatapos marinig yung kwento niya tungkol kay Amber. "Hindi ba niya nakuwento yun sa'yo?"

Hindi siya sumagot. Paano niya ba sasabihin sa kaniya na hindi naman sila nagkatuluyan? Paano niya sasabihin nang hindi siya makakaramdam ng awkwardness pagkatapos?

"Ang laki rin ng inimprove ng asawa mo no? Buti na lang binigyan mo ng chance." sinserong sabi sa kaniya ni Brie. "It's worth it, isn't it?"

Nangangapa parin siya ng isasagot sa kausap. Paano nga ba ito?

Tumingin tingin sa paligid si Brie. Para bang may hinahanap. "Where is she? Is she here? Dito na ba kayo nakatira sa America?"

"W-W-We're not. . . together."

Binalik sa kaniya yung tingin ng dating kaibigan. "Oh," aniya. "Nasa Pilipinas siya ngayon? Hindi mo kasama?"

"No, we're not together." nakuha niya ring sumagot.

"OH." nakaramdam siya ng kaunting hiya sa mga kinukwento niya kanina, hindi naman pala sila. Akala niya sila na yung nagkatuluyan dahil sa bulaklak na hawak ni Raven. "I thought. . .akala ko. . ." paboritong bulaklak ni Amber yung hawak hawak ng kaharap. Hindi niya talaga maiisip na hindi ibang tao yung pagbibigyan ni Raven.

Umiling naman si Raven biglang sagot. "We're not together." ulit niya pang sagot.

Napakamot ng ulo si Brie, gustong gustong ipaliwanag ang sarili. "Favorite niya kasi yang flower na hawak mo." paliwanag pa ni Brie. "Pati yung tinititigan mong cake, favorite niya rin. Akala ko kasi para sa kaniya."

"No, it's not for her."

Nahihiyang natatawa si Brie. "Sorry." nginitian niya lang si Brie nang tipid. Hindi rin naman alam ng kausap dahil ang tagal na nilang hindi nagkikita. "Who's the lucky girl anyway?"

"Hon." hindi na siya nakasagot dahil may biglang sumulpot na lalaking kumabig sa balakang ni Brie. Parang pinapakita sa kaniya ng lalaki na may karelasyon yung kausap niya, na para bang binabalaan na lumugar siya.

Tinitigan nang maigi ni Raven yung mukha ng lalaking katabi ngayon ng dating kaibigan. Para kasing may kamukha na hindi niya mapagtanto kung sino.

"Oh, Chris. This is my husband, Mark." pagpapakilala ni Brie sa asawa.

Nanlaki yung mata niya. Asawa pala.

"Hello." ngayon niya lang nalaman na may asawa na pala si Brie. Ang tagal na rin nilang hindi nagkita at walang balita sa isa't isa. Isang malaking himala pa nga na nagkaroon pa sila ng pagkakataon na makapag usap at magkita.

"Mark, This is Chris. My old friend."

"Hey, Chris." pati yung boses, may hawig. Hindi niya rin alam kung saan niya narinig yung pamilyar na boses.

Hindi rin nagtagal yung pag uusap nilang tatlo dahil nagpaalam na rin yung mag asawa. Bumisita lang rin pala ito ng America para mag honeymoon. Nag aalala siya na baka nasira niya yung araw ng honeymoon nila pero mukhang hindi naman dahil nakakapag usap naman sila nang matinong tatlo.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now