"Sasamahan ko kayo sa out of town niyo ni Ronan." sabi niya. Ayaw niyang iwanang mag isa si Luella na kasama si Ronan dahil alam naman niya kung gaano kabigat sa kaniya yung araw na yun. Baka kung anong mangyaring masama. Gusto niyang maniguro lang.

Naramdaman niyang umiling yung kaibigan sa dibdib niya. "Hindi na kailangan ng babysitter."

"Ayaw mong magpa babysit sa akin?"

"Hindi na."

"Are you sure you're okay without me?" tanong niya na naniniguro. Nag aalala talaga siya sa kaibigan na baka hindi kayanin na mag isa sa araw na yun. Nasa utak na niya na may responsibilidad siyang tulungan ito na makaraos sa susunod na linggo. Taon taon niyang ginagawa yun sa kanilang dalawa ni MM.

"May ribbon cutting ka that day." paalala naman sa kaniya ni Luella.

Nasampal niya yung noo. "Ah! Nakalimutan ko bigla." sambit niya. Hindi niya pwedeng hindi siputin yung seremonya ng araw na yun dahil siya ang inaasahan na mag gugupit ng ribbon sa bagong establishment ng kumpanya. "Are you sure you're okay?" medyo mabigat yung pagkakatanong niya dahil gusto niyang masamahan si Luella sa araw na yun at madamayan pero importante yung araw na yun sa trabaho.

"Ikaw, are you okay?" baling naman ni Luella kay Raven. Siya naman ngayon yung natigilan. Hindi rin nakasagot kaagad.

Nangangapa siya kung anong sasabihin o kung anong i-eexcuse sa tanong kay Luella kaya ang tagal niyang sumagot. Pinag iisipan niya nang mabuti kung magsisinungaling ba siya o magsasabi ng totoo.

Malalim siyang huminga. Hinahanda niya yung sarili para subukan magkwento tungkol sa nangyayari ngayon sa kaniya.

"I don't. . .I mean. . .yeah. . .I mean. . .no. . .I'm not. . .really. . .okay." ilang minuto niyang pinag isipan yung sagot. Hindi niya kailanman gawain talaga na maglabas ng hinanakit o magkwento ng problema kahit sa kaibigan o kahit sa kapatid.

Pero this time, susubukan niyang sabihin sa kaibigan kung ano nga ba talaga yung tumatakbo sa isip niya. "Nag usap kami ni April last time about. . .my ex-wife." napalunok siya. Hindi niya alam kung kaya niya ba talagang pag usapan pero susubukan niya parin. "Sabi niya, I am still into her at hindi yun mawala sa isip ko hanggang ngayon."

"Isa pang factor yung kapatid niya. . ." kwento niya. "I am really pissed whenever she's trying to bring up something about my ex-wife. She doesn't want to shut up about my past."

"Narinig ko pa yung boses ng ex wife ko dahil sa kaniya after a long time. Mas lalo akong naiinis dahil hindi mawala sa isip ko yung boses na yun." sambit niya na may inis sa tono ng boses. Naiinis kasi ito dahil sa tuwing tahimik yung paligid niya, parang naririnig niya yung boses ng dating asawa kahit wala naman siya sa tabi. Paulit ulit pa.

Malalim ulit siyang huminga. "I don't know if I'm. . . .just. . " denying. Isang salitang hindi niya mabigkas. Hindi niya kayang tanggapin na pwedeng tama si April. Dahil ang tagal niyang pinagsikapang ibaon sa limot lahat lalong lalo na yung nararamdaman niya sa asawa niya. "Tapos naiisip ko pa kung bakit parang hinahanap niya yung presensya ko nung narinig niya yung boses ko sa telepono."

Isang malaking misteryo yun sa kaniya. Gustuhin niya mang itanong yun kay Klarisse pero ayaw niyang pag usapan. Ayaw niyang ungkatin yung nakaraan dahil para lang niyang sinira yung tinahi niyang parte ng nasira sa kaniya kung gagawin niya yun.

"It was so hard to think about it." pakiramdam niya, talong talo talaga siya sa ganitong bagay. Ayaw na niyang matalo pero parang natatalo na naman siya. Nagwawagi na naman. "Because I did my best to stop being emotionally affected and invested with someone who I gave my heart but treated me shit and ito na naman ako ngayon, nagiging apektado na naman dahil sa kaniya."

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now