"We had sex, Amber."

"Hindi! Anong nag sex? Sira ulo ka ba?" depensa ko. Tinignan ko sa mata yung asawa ko na nakatingin parin kay April, napaka seryoso. Nagmamakaawa yung mga tingin ko na huwag siyang paniwalaan. Diyos ko! "Hindi kami nag sex—" parang huminto yung tibok ng puso ko dahil sa katakot takot na ginawa ng asawa ko.

Sinaksak niya yung maliit na kutsilyo sa lamesa. Doon mismo sa pinagigitnaan ng mga daliri ng kamay ko nang hindi siya nakatingin.

Hindi ako nakagalaw.

Muntik na yung mga daliri kong masaksak.

Nagawa niya yun nang hindi nakatingin. 

Putek.

Galit na galit nga siya.

"You. . .fucked?"

Hindi na napigilang matawa ni April. Napakalakas ng tawa.

"Why the fuck are you laughing?" 

Hindi siya sinagot ni April. Tumatawa parin ngayon na napapailing.  

"Laugh again or I'll slit your throat, you'll see." banta niya kay April. Hindi parin natigil sa pagtawa 'tong isa. 

"Hindi mo talaga alam kung ano yung pinagkaiba ng biro at seryosong statement no?" sabi naman ni April sa asawa ko. Nang insulto pa siya. Anak talaga 'to ng ano! Mapapahamak talaga ako sa bunganga niya. "Hindi ako nangangantot ng kaibigan."

Natahimik yung asawa ko ng ilang minuto. "What?" 

"We didn't do it, come on!" natatawa parin niyang sabi. "He's too innocent to fool around with."

Hindi siya ulit nakaimik agad. Parang pinoproseso yung sinasabi sa kanya ngayon ni April.  "So nothing happened—" 

"No!" napasigaw kong sagot. Para akong desperado ngayon na sagipin yung buhay ko sa asawa kong parang babawian ako ng buhay dahil sa sinabi ni April. "Of course, we didn't. Hindi ko yun magagawa, asawa ko!"

"Hindi ikaw yung kinakausap ko." masama niya kong tinitigan. "Manahimik ka diyan kung ayaw mong masaksak."

Bigla akong tumahimik. Napayukong napatango. 

Nakng. 

Ang hirap namang ipaliwanag yung sarili ko nito. Hindi ako pinagbibigyang magsalita!

"Akala ko hiwalay na kayong dalawa eh." kwento pa ni April. "Akala ko single na yung kaibigan ko e, hahanapan ko pa naman sana ng babae."

Pinandilatan ko ng mata si April. "April, pwede ba." inis kong sabi sa kaniya ng masama yung tingin pero nginisian lang ako. Nang aasar.

Napatampal ako sa mukha ko sa stress. Bwisit.

Alam naman niya ugali ng asawa ko e! Mapapahamak talaga ako sa bunganga nito. 

"What did you just say?" pinapaulit ng asawa ko na para bang binibigyan niya ng pagkakataon na bawiin yung sinabi ni April.

Anak ka ng.

"Amber—" 

"Hahanapan ko ng babae 'to." jusko po.

"Too bad for you. We're still married."

"Kaya nga, sayang nga." nang aasar pa yung boses. Bakit ko nga ba naging kaibgan 'to? Nilalagay talaga ako sa peligro sa kahit na anong paraan na alam niya.

"Pero hindi naman tayo 'di ba, asawa ko?" 

Tinignan niya ako ng masama. "Sinabi ko bang magsalita ka?" 

"Oo nga, hindi naman kayo. Kasal lang kayo 'di ba?" 

Natahimik siya saglit. Napasandal sa upuan at naghalukipkip. "Edi gawin mo." hamon ng asawa ko. "Maghanap ka ng babae para sa kaniya." 

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant