"It was my job as your friend na i-remind ka at pakinggan ka, Brie." sambit ko. "And I'm thankful that you appreciate everything I said to you. You deserve to hear those things." seryoso kong sambit. Hindi ko alam na ganon kalaking epekto yun sa kaniya. Wala sa isip ko yun.

Ramdam ko yung paningin niyang parang walang balak alisin sa akin. Kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya, nararamdaman ko yun lalo na sa peripheral view ko. 

At naiilang ako.

"Sa condo ka na matulog, Chris."

Anak ng! Seryoso ba siya? 

"What are you saying?" gulat kong tanong. Hindi ko aakalaing maririnig ko yun sa kaniya.

"Why?"

"You know that I can't."

"Why? You're a grown man. Don't tell me, meron kang strict parents?" sarkastiko niyang sabi. 

Meron akong striktong asawa. 

"Or you're worried na magagalit siya kapag hindi ka nakauwi?"

Hindi ako nakasagot. Alam kong totoo yung sinasabi niya pero hindi ko yun maamin.

"Come on, she's with Black tonight. You're both not even in a real relationship, so what's bothering you?" 

Umiling ako at walang masabi. Hindi ako nakaimik sa biglaan niyang sinabi sa akin.

Para namang pinapamukha niya sa akin na asawa lang ako sa papel. Na wala lang ako sa buhay ng asawa ko. Hindi niya alam, nasasaktan ako sa sinasabi niya.  

Mas lalo lang akong nailang sa byahe. Ni hindi ko siya makausap nang kumportable. 

"Please." rinig ko pang dagdag niya. "Bumawi ka naman, sa condo ka na matulog."

Nakarating kami ng parking lot ng condo niya nang hindi ako sumasagot sa gusto niya. "We're here." seryoso kong sabi. "I should go now." tinanggal ko yung seatbelt at palabas na nang hawakan niya yung braso ko. 

"Chris."

Seryoso ko siyang tinignan dahil hindi talaga ako natutuwa sa mga narinig ko. 

"Please."

"Brie. . .I really have to go. I can't stay here, hinatid lang kita dahil delikado na sa daan. Baka mapano ka kung hindi kita hinatid, hindi yun kaya ng konsensya ko."

"So you're not staying?" nag iba bigla yung ekspresyon ng mukha niya. 

"No, uuwi na ko." sagot ko. "Hinatid lang talaga kita."

"Nandito ka na rin lang, bakit hindi ka pa mag stay?"

Dahan dahan akong umiling, nahihirapang tanggihan siya. Paano ko ba siya mahihindian nang hindi siya magagalit? 

"You should come with me." malambing niyang sabi na napahawak parin sa binti ko. Pasimple kong tinanggal yun nang hindi siya naooffend. "Hindi natin natapos yung pinagkaka abalahan nating dalawa non. Maybe we should continue that tonight?" pilyo niyang sinabi. 

"What did we. . .do?" ngiwi kong tanong.

"You know, drinking and. . .talking about stuff." nakakaakit yung mga tingin niya pero hindi ako nagpatinag. "Doing some. . .stuff."

Kailangan ko ng umuwi.

"It's late, Brie." sagot ko. "Kailangan ko na talagang umuwi. Napagod rin ako kanina sa pinuntahan namin ni Amber."

"Sa tabi ko na ikaw magpahinga. I can also give you a massage to help you relax."

"I'm sorry, Brie. Kailangan ko talagang umuwi." bababa na sana ako pero napahinto ako bigla sa pagtawag niya nang pasigaw. 

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon