"Who's that?" rinig kong tanong niya pero hindi ako naka sagot. Nag cocompose ako ng i-rereply sa nag text. "Who's that?" rinig kong ulit niya.

Nagpapadespedida yung kaibigan ko nung college, si Kev. Mukhang aalis na siya ng Pilipinas.

Hay nako. Hindi man lang nagsasabi nung nakaraan bago magpa despedida. Edi sana naka bonding ko pa 'tong lokang 'to.

"Are you deaf?"

"Huh?" napatabingi ko yung ulo ko. Seryoso na siya ngayon na nakatingin sa akin. Mas maliwanag ngayon yung liwanag ng buwan kaya nakikita ko kung paano magsalubong yung kilay niya.

"I was asking you." 

"Uh. . .kaibigan."

Binalik ko yung atensyon ko sa cellphone ko at nagtipa ulit ng irereply para sa invitation niyang despedida sa susunod na araw.

"Who's that friend?" rinig kong tanong niya. "Is that Brie?"

"No."

"Then who the fuck is that?"

"A friend from college." tipid kong sagot dahil busy ako magtipa ng message.

"Sino?" inis niyang tanong na parang pinapaulit yung sagot ko. 

"Kaibigan ko sa college." ulit ko. 

"Why did she text you?" seryosong tanong niya pero busy parin ako sa pagtetext. "Eleven." rinig kong tawag niya sa akin.

"Inaaya niya ako sa party sa susunod na araw." sagot ko at nasa cellphone parin ang atensyon.

"What? Party? You know how to party?" tanong niya ulit sa akin. Nagtatakha.

Natigilan ako at tinitigan siya.

Grabe naman 'to sakin.

"What?"

"Marunong ako makiparty no." pagyayabang ko. Porket taong bahay lang ako dito sa atin, hindi na ko marunong makiparty?

Pero may point siya. Hindi naman kasi ako madalas makiparty nung college, normal na tao lang ako na nag aaral at ang priority ko lang ay makatapos.

"Kayo lang dalawa magpa party?" medyo tumataas na yung tono ng boses niya kumpara kanina.

"Despedida, asawa ko." sagot kong pasarkastiko. "Hindi lang ako yung invited."

"Why not? Nagagawa mo ngang makiparty sa condo ng iba." rinig kong sambit niya. Mukhang pinapahiwatig yung kay Brie. Nakng. "Na kayo lang dalawa."

Napakamot ako. Ang layo naman non dito sa pinag uusapan namin na despedida. 

"Asawa ko naman eh." kunwaring naiinis kong sabi. "Hindi naman kami lang, party yun. May mga tao rin kaming makakasama."

"Oh? Why are you getting mad if it's not what I think it is?"

"I'm not mad. . .po." sagot ko.

"Oh, baka naiinis ka kasi totoo yung iniisip ko at nabunyag ko lang?"

Napabuntong hininga ako. I quit. "No, it's not what you think it is. It's a party with her colleagues, friends, and family."

Tinuloy ko yung pagtipa ng letra. "What's her name?" rinig kong tanong na naman niya. Hindi ako nakasagot dahil binabasa ko yung buong message na isesend ko, baka kasi may typo o walang sense yung sinabi ko.

"Are you listening?" may halong inis na yung boses niya. Actually kanina pa pero mas ramdam mo yung inis ngayon.

"I'm listening." sagot ko.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now