"You should try it." sabi ko. "Masarap, promise."

"Sure." ang dami na yata niyang item sa cart. Parang mapupuno na kapag naglagay pa ulit siya.

"Ganyan talaga ako mag grocery." sambit niya. "Minsan nga nakakadalawang cart pa ko."

"Ikaw lang mag isang naggrocery?"

"Ngayon hindi na." sagot naman niya sabay kindat sakin. So ngayon pa lang siya nagkaroon ng kasama?

"So mag isa ka lang talaga?"

"Mag isa lang naman ako sa condo. So meaning," humarap siya sakin. "ako lang mag isa mag grocery."

Dati, ako lang mag isang mag grocery. Pero nung naging maayos kaming dalawa ng asawa ko, sinasamahan niya na ako kaya nakakadalawang cart kami dahil marami talaga siyang nilalagay.

Ngayon, ako na naman mag isang nag ggrocery. Ayaw niya paring umuwi.

Hay.

Kapag naalala ko, nawawala ako sa mood.

Nabaling lang yung atensyon ko nung may mga binabagsak na naman siyang mga gamit sa cart.

"Baka ako pagbayarin mo nito ha. I don't have money here."

"Bakit mo naman naisip yun?" natatawa niyang tanong.

"Baka lang naman maisipan mong pagtripan ako."

"Of course, Chris. Don't worry, I got myself."

Nasa mga soap section na kami banda at hinayaan ko na siyang mamili. Tinitignan ko lang yung mga nakalagay sa shelves. Iba yung sabon ng mga babae sa sabon sa mga lalaki.

"I have a question." biglang salita niya naman. Natahimik na kami kanina dahil busy talaga siyang tumitingin sa mga bibilhin niya.

"Sige lang, tanong ka lang. I'm listening." sagot ko sa kaniya.

"I'm just curious about your background." sambit niya. "Paano kayo nagkakilala ni Amber?"

Natigilan ako. Hindi alam yung isasagot.

Alam kong hindi niya gustong ipasabi 'tong bagay na 'to. Sigurado ako.

"I never heard you from her." sabi niya. "It's just. . . ano parang recently lang kitang nakita or na witness na magkakilala kayo."

Napapalunok akong nag iisip.

"Bakit galaw nang galaw yung adams apple mo?" bigla niyang tanong sakin.

"Ah kasi," hinawakan ko yung adams apple ko. "parang may nakabara kasi sa lalamunan ko."

Bakit ba naman kasi may biglaang tanong na ganito, Brie? Hindi ko rin kasi alam yung isasagot ko. Kahapon mo pa ako sinisimplehang tanungin ng ganitong tanong.

"Pero seriously," napasuklay siya ng buhok gamit yung mga daliri niya patalikod. "Kailan ba kayo nagkakilala? Paano ka niya pinagtrabaho sa bahay niyo?"

Umiiwas ako ng tingin sa kaniya.

Hindi ko alam kung ano yung isasagot ko. Baka mamali pa ako ng kwento sa kwento ng asawa ko sa kaniya. Nakng. 

Baka mahuli ako sa sarili kong salita.

"Chris?"

Huminga ako nang malalim. "I-I-I can't answer that." sagot ko.

"Huh?" gulat niyang tanong. "W-Why?"

Napakamot ako sa noo ko. Nilakasan na yung loob at nagseryoso. "Para makakuha ka ng sagot, you should definitely ask her. Wala ako sa posisyon para sumagot."

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt