Awkward akong tumawa at napakamot sa ulo. 

"Ang tagal na kitang kinukulit dito."

"S-Sorry."

"Don't be! At least it's happening today."

Mukhang magiging maayos naman yung friendly date namin. Wala rin naman sigurong masama kung mangyayari yun ngayon. 

Sa totoo lang, nadala lang ako ng pressure noon simula nung tinanong at inasar ako ni Amber na wala pa akong nakaka date kahit na sino. Siya lang naman yung kilala kong babae na pwede ko ayain kaya napaaya ako nang wala sa oras sa kaniya na hindi ko rin siguradong tutuparin ko. 

Yun pala yayayain rin pala akong i-date siya para magkaroon na daw ako ng first date. Kaya wala na sana akong balak tuparin 'to. Kaya lang, kailangan kong gawin 'to dahil ayaw kong maka dissapoint ng babae.

"I'll drive." sambit niya pagkarating namin sa tapat ng kotse niya.

"Are you sure?" 

"Yes! Since surprise yung pupuntahan natin, I should drive."  

Binuksan ko yung pinto ng driver seat at inalalayan siyang makapasok. "Ang gentleman naman! Thank you, Chris." gentleman na ba agad 'to? 

"W-Welcome." confused kong sabi. 

Pagkapasok ko sa loob, kinuha ko sa maliit kong bag yung sampaguita na binili ko doon sa bata na gusto na umuwi kanina nang maaga. Inabot ko kay Brie.

Natutuwa daw yung mga tao kapag binibigyan daw ng kahit na anong bulaklak. Huwag lang daw yung pang patay na bulaklak yung ibigay.

Pero. . .yung sampaguita, hindi naman siya pangpatay ang alam ko. . . .yata. Ito yung inaalay sa santo pati kay Lord. Hindi naman siguro counted 'to sa pang patay.

Nakita kong natuwa siya. "Aww." napahawak siya sa bibig at kinuha yung inabot kong sampaguita. "Thank you, Chris."

Halata sa mukha niya na masaya siya sa natanggap. Pinicturan niya pa nga yung sampaguita at mukhang ippost pa sa IG story. 

Napapakamot ako dahil nahihiya ako sa inabot ko. "Mabango naman yan, amoy amoyin mo na lang." narinig ko naman siyang natawa sa kin. "Pasensya na, yan lang nabigay ko. Yung bata kasi nangungulit kanina—"

"Ano ka ba! Okay lang, sino bang may sabi na hindi ko 'to nagustuhan?" masigla niyang sambit sa akin. "This is thoughtful! Ang bango pa."

"Really?"

"Yung mga dati kong naka date, they don't even have flowers for me. They don't even bother so I'm really grateful."

"Talaga ba?" hindi ko makapaniwalang tanong. Parang pampalubag loob na lang mga sinasabi niya eh.

Saka binili ko na rin kasi naawa ako doon sa bata na nagbebenta niyan. Gusto na makauwi nang maaga. Alam ko naman kung gaano kahirap magbenta.

"Yes, and sobrang unexpected rin."

"Yung date?"

Natawa siya. "No, the sampaguita."

"You don't like it?"

"Ano ka ba," hampas niya sa braso ko. "I love it. Ang simple but it's really romantic. Pilipinong pilipino." inaamoy amoy niya yung sampaguita na parang wala siyang planong tantanan iyon.

"Romantic?" napapa tanong kong sabi. Romantic pala yung pag abot ng simpleng bulaklak. "But you're welcome." buti naman at nagustuhan niya yung simpleng bigay ko.

Nagsimula na siyang magdrive. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta.

"Saan kaya tayo pupunta?" parinig ko sa kaniya na tinitignan tignan siya. 

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora