"Yung?" takha kong tanong. Anong sinasabi niya?

"Laro."

"Ng?"

"Volleyball."

Ah! Oo nga pala.

"Hindi pa naman start, asawa ko." inform ko sa kaniya at ngumiti. Mukhang dahil sa finals ng UAAP Volleyball, maaga siyang umuwi. Gustong manood siguro. 

Tinanguan niya ako at huminto. "Tawagin mo na lang ako sa taas kapag nag start na." sambit niya. 

Ngumiti ako nang malawak.

"Naririnig mo ba ako?"

"Oo naman, asawa ko! Tatawagin na lang kita kapag nag start na." 

Umakyat muna uli siya ng kwarto habang hawak hawak yung batok at nagpapatunog ng leeg.

Habang inaantay ko yung laro, kinakain ko na yung pagkain na binigay niya. Ang dami pero gutom naman ako kaya masaya yung tiyan ko at masaya akong kumakain!

Nag vibrate yung phone ko. Nag text si April sa akin.

Mukhang nahihirapan siya sa America. Wala naman akong magawa kasi nasa Pilipinas ako.

Hindi naman ako pwedeng umalis kasi hindi ko naman alam kung anong pwede kong ipagpaalam sa asawa ko.

Kung nasa America pa ako, matutulungan kita nang maayos. Kaso, limitado lang yung kaya kong gawin na tulong, April.

Binaba ko na yung cellphone ko sa tabi ko pagka reply ko pero pagkababang pagkababa ko pa lang, may nag message na naman sa akin.

Pagkabukas ko, akala ko si April. Si Brie pala!

Nakng. Nakalimutan ko na pala yung text ko sa kaniya at nakalimutan ko rin magreply sa messages niya.

Kumabog yung dibdib ko sa nerbyos. Ni hindi ako handa dito sa ginawa kong pag text sa kaniya nung nakaraan.

Anong gagawin ko? Nagpapanic ako.

u busy, chris?

Napalunok ako. Hindi ko alam anong irereply ko.

Nilapag ko ulit yung cellphone dahil sa nerbyos pero nag ring naman agad pagkababa ko sa tabi ko.

"Anak ng." napapikit ako sa gulat.

Tumatawag si Brie.

Lagot na.

Nagpapanic talaga ako. Hindi alam yung gagawin.

Nakng. Ang gago mo talaga, Eleven. Ngayon, hindi mo madesisyunan nang maayos.

Bahala ka kung anong kailangan mong gawin. Gawin mo kung ano dapat gawin, gago.

"H-Hello?" wala sa sariling sinagot ko yung tawag.

"Chris!" excited niyang bati sa kabilang linya. "How you doin?"

Awkward akong tumawa. "G-Good." napaface palm ako sa kahihiyan.

Ang awkward ko talaga sa babae.

"Hindi mo na ako nireplyan nung nakaraan." sambit niya. "Inantay ko kayang magreply ka."

Kumabog nang malala yung dibdib ko.

Anong sasabihin ko? Sabihin ko bang aksidente lang yung text kong yun? Na aksidente lang na napindot ko yung send button?

Ang gago ko naman kung ganon yung sasabihin ko.

"You were asking me to have lunch or dinner with you, right?"

Napakagat ako ng labi. Sabihin ko bang oo?

"Y-Yes." awkward na naman akong tumawa nang mahina. Baka sakaling maitago ko yung awkwardness at kahihiyan ng nangyayari.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now