Ngumiti ako ng tipid at umiling. Napainom ako na napapangiwi dahil napaka tapang ng alak. Nakng.

"You look like a dead kid here or something." nakangisi niyang sabi sa akin. 

Awtomatikong napataas yung kilay ko sa narinig ko. Aba! Akala niya hindi ko naintindihan yung sinabi niya.

"I mean," natatawa niyang sabi na para bang naintindihan niya yung reaksyon ko. "bakit wala kang kasama?"

Napailing ako. "Grabe ka naman maka dead kid sa akin." iling iling ko. Ako? Dead kid? Hindi ba pwedeng tahimik lang ako dito since wala rin naman akong kakausapin. Lumapit lang siya kaya ako nagkaroon ng chance na makipag usap. Nakng.

"Seriously, if you'll look around right now," napalingin ako sa paligid. "You're the only person who doesn't have someone to talk to. Everyone here is partying., except sa'yo."

Napailing na lang ako at hindi na siya pinansin. 

"I am not from here, I just visited." sagot ko. "So wala akong kasama kahit na sino. I'm just here to drink." seryoso kong sabi.

"Oh," tango niya. "Are you from Texas?"

"No," iling ko. "Philippines. Dayo lang sa America."

Tumango siya. "I see, so anong dinayo mo dito sa America? Chicks?"

Natawa ako nang mahina at napailing. "I'm not here for that. I was just asked to visit here so we can talk about some. . .you know. . .basta. . .family matters." sambit ko. "Ikaw, taga dito ka?"

"Yep." sagot niya. "Kakauwi ko lang rito sa America. I was in the Philippines a few days ago." kwento naman niya na parang tropa na kami. 

"Wow." gulat ko. "Saan?"

"Manila." sambit niya. "I visited my mom before getting married here."

Napaawang yung bibig ko. "Oh, you're getting married!" para bang nagkikintaban yung mata ko nung narinig ko yung kasal. "Where's the ring?" sinilip ko yung kamay niya kung may nakasuot ba siyang singsing. 

Pinakita naman niya sa akin at para akong tangang hinawakan yung kamay niya at tinitigan yung singsing. "Ang ganda." sambit ko na ikinatawa niya. "Why are you laughing?"

"Seriously? Interesado ka sa ganitong bagay?"

Ngiti ko. "Of course. Isa yan sa pinaka importanteng araw sa buhay natin." sambit ko. "One of the important events yan sa buong buhay ng tao, that's why I'm happy for you."

"As if you experience marriage para sabihin yang mga yan."

"I did." sagot ko. "And I'm still married." ngiti kong sabi.

"Then why are you here?" tanong niya. Pinapahiwatig kung nasaan ako ngayon. "You're trying to cheat with some hoes here, aren't ya?"

Kumunot yung noo ko. Hindi naman ako ganun! Nakng. "No." iling ko. "I'm just here to unwind."

"Lahat naman ng lalaki ganyan tapos pag uwi, may ka sex na." sagot naman niya.

"Hindi ako ganun!" linaw ko. "Wala nga akong balak na kumausap ng tao dito pero kinausap mo ako kaya kinausap na rin kita."

"Okay." tumango tango siya na pasarkastiko, bakit ayaw nitong maniwala sa sinabi ko? "What's the reason?"

Hindi ako makasagot.

Sa isang iglap, naalala ko na naman yung nangyari kanina. 

"Ano nga?" pangungulit niya pa.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now