Kapag nakipag away kasi 'tong si Uno sa mga kaibigan namin, matindi kaya naiistress ako bigla.

Ayaw rin kasi makinig nitong lalaking 'to. Hindi nakikinig kahit nandiyan na yung sagot. Pinipilit niya kung ano yung gusto niyang paniwalaan.

Naglakad ako pauwi habang tulak tulak ko yung bag na may gulong. Ito yung ginagamit ko kapag namamalengke ako.

Exercise ko na rin 'to, yung paglalakad. Medyo malayo rin kasi yung village namin sa palengke.

Nagriring na naman yung cellphone ko pero ilang beses ko na siyang hindi pinansin.

Pero ayaw talaga akong tigilan.

"Anak ng tipaklong." inis kong singhal. Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng short ko.

Sinagot ko yung tawag. "Tangina mo, Uno—"

"What did you just fucking say?"

Bigla akong nagpanic. Nanlaki ang mata.

Naiba yung boses. Sino 'to?

Tinanggal ko sa tenga ko yung cellphone at tinignan kung sino 'to.

Si Klarisse. Nakng.

"You're not answering my calls."

"Eh—"

"Tapos minura mo ako. May sama ka ba ng loob?"

Napakamot ako. Nakng. Si Uno kasi parang timang. "Hindi! Kasi yung kaibigan ko kausap ko kanina, akala ko ikaw ulit."

"May babae ka?"

"Wala!" gulat kong sagot.

"Whatever," sagot niya lang. "Dad wants to see you."

Natulala ako. Para akong biglang kinabahan. "Ha? Bakit? May ginawa ba ako? May kasalanan ba ako? Anong meron?"

"Just come here."

"Anong oras?"

"Right now." at pinatayan ako ng cellphone.

Pambihira.

Nakakainis pala talagang napapatayan ka ng tawag. Bitin na bitin ako sa impormasyon.

Huminga ako nang malalim.

Tinignan ko yung daanan ko. Napakamot ako sa ulo.

Ang layo ko pa sa village namin.

"Tricycle!" wala na akong nagawa kundi magtawag ng tricycle para makauwi na ako kaagad at makapagprepare na paalis.

Ano naman kaya yung gustong mangyari ni Tito Flame? Mabait naman siya sa akin pero kasi syempre anong malay ko? Baka may nagawa akong kasalanan. 

Hindi naman kami close. Ngayon niya lang ako pinatawag sa bahay nila. 

Talagang madaling madali akong nag ayos ng bahay pati yung pinamili ko at naligo.

Wala talaga akong idea kung bakit.

Medyo na-traffic ako kaya tawag na nang tawag sakin si Klarisse pero ang sabi ko naman heavy traffic lang.

Baka lang daw kasi hindi ako sumipot. Hinahanap pa naman na ako.

Gutom na nga ako. Wala pa akong almusal at tanghalian.

Pagkadating at pagkapasok ko, talaga namang alagang alaga na ako ng mga tao dito.

"Sir, nandito na po si Sir Eleven."

"Thank you, Ma'am." ngiti kong bati sa katulong nila at nginitian rin ako pabalik.

Malawak akong nginitian ni Tito Flame.

"There you are, my son!" salubong niya sakin na humahalakhak pa sa tuwa.

my sadist wife (completed) (innocent guy series)Where stories live. Discover now