Epilogue

1.2K 55 6
                                    

EPILOGUE

Armina

Mahirap maging asawa ang sikat na celebrity. Iyon lang ang napatunayan ko sa loob ng mahabang panahon na magkasama kami. Pero ganoon pa man, hindi ko pinagsisisihang kumapit ako sa pagmamahalan naming dalawa. Akala ko ay malabong mag-work, pero nagkamali ako. He's the most loving husband a woman could ever asked for. Idagdag pa ang mga kaibigan niyang buong-buo rin ang pagmamahal sa aming anak.

"At last nakapagsolo na tayo..." pilyong bulong pa niya habang pinapaliguan ng halik ang aking leeg.

Bahagya akong napaiwas sa kiliting naramdaman bago tumango-tango. "Ayaw humiwalay sa 'yo ng mga kabanda mo, e."

"Sinabi mo pa. Kulang na lang yata ay tumabi sila sa bed natin."

Sabay kaming tumawa sa sinabi niyang iyon. Kahit pa ilang taon na silang retiro sa pagkanta ay wala pa ring araw na hindi yata sila nagkikita-kita.

"Hmm... Masaya ka ba sa akin?" seryoso kong tanong.

"Yeah. Hindi pa ba obvious?" nag-aalala pang aniya bago ako ipaling paharap sa kanya. "Why? Was there anything bothering you?"

Umiling ako. Kahit pa ramdam ko namang masaya siya, nandoon pa rin ang insecurities. Hindi ko pa rin lubos maisip kung papaanong ang gaya niya ay mamahalin ako nang ganito.

"B-baka lang kasi kako nagsisisi ka... Alam mo na. Napaaga ang retiro ninyo dahil sa akin..."

"I don't see it that way. Nagkataong ayos na rin sa edad namin ang umiba nang karera. And besides, matigas na ang buto ni Jin," natatawang sabi pa nito na nagpatawa rin naman sa akin.

"Ikaw talaga. Ang galing namang sumayaw ni Jin, a."

Natatawa siyang tumango-tango. "Yeah. He really worked hard for it. He improved a lot and now, he's good at it."

"At saka gwapo pa," dagdag ko pa na nagpaningkit ng kanyang mga mata.

"Don't make me jealous, babe."

"Pero siyempre, ikaw lang ang pinakagwapo sa paningin ko," bawi ko rin naman sabay banayad na pisil sa pisngi nito.

"Good answer," nangingiti niyang sabi sabay kabig sa batok ko at banayad akong hinalikan sa labi.

Nakabukas ang mga hitang kumandong ako paharap sa kanya nang hindi napuputol ang aming halikan. Bahagya siyang umungol nang maramdaman ang aking gitna sa kanyang harapan.

"Stop teasing me, baby..." gigil pang aniya sabay piga sa aking puwitan. "I wouldn't last long."

Pero sa halip na makinig ay patuloy pa rin akong gumiling sa kanyang kandungan.

Gigil niyang hinawakan ang aking balakang at higit na naging mas marahas ang kanyang paghalik.

Pero halos sabay kaming napatalon nang may biglang may kumatok sa pinto. Kulang na lang yata ay atakihin ako sa sobrang nerbiyos sa isip na nagbukas iyon nang nasa ganoon kaming posisyon.

"Hoy! Mamaya na 'yan!" sigaw ni Jimin sa tapat ng pinto habang panay pa rin ang katok.

"Oo nga. Kumpleto na tayo sa baba!" Si Vince na hindi man namin nakikita ay natitiyak kong nakangisi.

Bumuga ng hangin si JK at gigil na sumagot. "Get the fuck out of my house now!"

Nagtawanan ang dalawang nasa likuran ng pinto. Tila ba tuwang-tuwa pa sa reaksyong iyon ni JK.

"Huli ka! May ginagawa nga kayong milagro, 'no?!" Si Jimin na halos umalingawngaw ang boses.

Naiiling akong aalis na sana sa kandungan ng asawa ko, pero hinigit niya ang baywang ko na para bang sinasabing hindi ko kailangang umalis.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon