Chapter 32

589 56 6
                                    

CHAPTER 32

Armina

Tulala akong nakatitig lang sa anak ko habang panay ang laro niya sa kama. Hindi pa rin magawang iproseso ng utak ko ang nangyari. Kahit pa hindi naman kami magsasama ni JK, nandoon pa rin ang katotohanang titira kami sa iisang bahay.

Isang bahay!

Mariin akong pumikit at ilang beses na humugot ng malalim na buntonghininga. Pakiwari ko ay panaginip lang ang lahat. Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari ito.

Halos buong magdamag akong hindi nakatulog dahil sa dami nang iniisip. Pero napilitan pa rin akong bumangon nang maaga dahil sa mga gawaing bahay.

Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis noon nang may kung sino'ng kumatok sa pinto. At ganoon na lang ang gulat ko nang mabungaran si JK na natatakpan man ang mukha ay kilalang-kilala ko pa rin!

"Ano'ng ginagawa mo rito?" taranta kong tanong sabay tingin sa likuran nito.

Kasama nito ang dati nitong bodyguard na si Kuya Rod na pasimple pang kumindat sa akin.

Wala ako sa sariling pinag-krus ang aking mga braso nang maalalang wala akong suot na bra sa ilalim ng aking oversized t-shirt.

Nagtaas si JK ng kilay nang mapansin ang ginawa ko.

"Tawagan na lang kita, Kuya Rod," pormal na sabi pa ni JK dito nang 'di lumilingon.

"Okay, boss," sagot naman din nito sabay talikod.

"Can I come in?" tanong pa niya.

Taranta kong hinila ito papasok sa loob ng apartment at agad na ni-lock ang pinto.

"Nababaliw ka na ba?! Bakit ka pumunta rito?!" magkasunod kong tanong sabay silip sa bintana.

Kainaman na lang ay alanganing oras kung kaya halos walang tao sa kalsada.

"Gusto ko lang makasiguro na hindi mo itatakbo sa akin ang anak ko," aniya habang nagtatanggal ng face mask at ang aviator naman nito ay ipinatong lang sa ulo.

Pinaikot ko ang aking mga mata. "Seriously? Hindi mo man lang inisip ang safety mo at ng baby natin?"

"Sinuyod ni Kuya Rod ang buong area. It's safe."

"Kahit na! Alam mo namang hindi safe!"

Hindi niya pinansin ang pagmamaktol ko at sa halip ay tahimik na nagmasid lang sa buong apartment.

"Nag-empake ka na?" tanong pa niya habang patuloy sa pagmamasid.

Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng ilang sa pag-aalalang may parte pa ng bahay na hindi ko man lang nalinisan.

"Look, JK, kung gusto mong suportahan ang anak mo, okay lang sa akin. Hindi naman kailangan na tumira pa tayo sa iisang bubong."

Kunot-noo siyang tumitig sa akin. Agad akong napaatras nang makita ang galit sa kanyang mga mata.

"I want to be with my son. If you have a problem with that, we could ask for legal advice."

"JK naman, e!"

"What?"

"Safety n'yo lang naman ni Kurt ang iniisip ko. Sana naman maintindihan mo."

"At sana rin maintindihan mo na gusto kong makasama ang anak ko," galit na giit niya na nagpatahimik sa akin.

"Iniiwasan ko lang namang lumabas ang tungkol sa baby natin para inyo ng grupo mo. Ayoko lang ding maging rason si Kurt para masira ang lahat ng mga pangarap ninyo."

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon