Chapter 27

480 40 2
                                    

CHAPTER 27

JK

Things went well between me and Armi for the past couple of days. Our relationship turns into weeks and then, months. Sa tulong ng grupo, nagawa naming i-enjoy ang alone time namin as a couple. They were really supportive and I appreciate it a lot.

"May nilalanggam na naman sa tabi," nanunuksong sabi ni Jin nang madaan sa tapat namin ni Armi.

Kasalakuyan kaming nagme-merienda matapos ang nakakapagod na rehearsal ng sayaw.

"Inggit ka lang!" natatawang balikwas ko rin naman sabay kindat kay Armi na naiiling lang sa akin.

Kahit pa sobrang abala ko sa dami ng schedule ay naglalaan pa rin ako ng kaunting oras para lang makita o makausap siya kahit na saglit.

Nasa kalagitnaan kami ng kain noon nang biglang sumulpot si Manager Lee sa may pinto. Tarantang humiwalay si Armi at mabilis na tumayo lalo pa nang lumipad ang tingin nito sa amin.

Nag-aalalang tumingin din sa amin ang ibang miyembro na halatang hindi rin inaasahan ang pagsulpot na iyon ng aming manager.

"How are you guys doing?" Medyo seryoso ang tono nito.

"Okay naman po," sagot ni Rapmon na makahulugan pang nakipagpalitan ng tingin sa iba ko pang kasama. Para bang sinisiguro nitong walang naabutang kahina-hinala sa amin ni Armi.

"How was the choreography for your new release?"

"Wala na po bang mas babagal pa sa choreo natin ngayon? Sumasakit na utak ko sa pagkabisa," maktol pa ni Jin dito.

Humalakhak si Manager Lee at tinapik-tapik ito sa balikat. "Kayang-kaya mo 'yan, Jin. Ikaw pa ba?"

"Seriously? In a span of months, I'll be in a wheelchair."

Nagtawanan ang buong grupo habang tila pasikreto ring nagpapakiramdaman.

Tahimik na nakalabas si Armi sa practice room nang hindi napapansin ni Manager Lee.

Saglit kaming nag-meeting at pinag-usapan ang schedule ng grupo para sa buong week. Nakikita pa lang namin ang dami ng gagawin ay para bang pagod na pagod na kami.

"Do you have anything to tell me before I leave?" seryosong tanong ni Manager Lee habang iginagala ang tingin sa aming lahat at huminto iyon sa akin.

Wala ako sa sariling umiling at nag-iwas ng tingin. Makahulugang tumingin sa akin si Rapmon na para bang sinasabing tama lang ang sinagot ko.

"All right, then. I won't bother you anymore. I still have to meet a client." Nanguna itong tumayo at sabayan namin itong inihatid sa may pintuan.

Matapos na magpaalaman ay agad na umalis si Manager Lee. Halos pare-parehas kaming nakahinga nang maluwag matapos iyon. Alam kong kahit pa mabait ang aming manager, hindi nito gugustuhin ang relasyon ko kay Armi.

"You guys need to be extra careful next time," paalala pa ni Rapmon sabay tapik sa aking balikat.

Tumango ako at mapait na ngumiti sa mga ito. Alam kong ang sikreto ko ay sikreto ng lahat. Kaya naman laking pasalamat ko talaga sa pagiging supportive nila.

Matapos ang saglit na pamamahinga ay muli naming itinuon ang atensyon sa ensayo.

Halos alas-nueve nang gabi nang makatapos kami. Sa sobrang pagod, lahat ng mga kagrupo ko ay dumiretso na agad ng kwarto.

May kung ilang minuto rin akong nagpahinga bago mag hot shower. Sa totoo lang, gusto ko na lang dumiretso sa bed at matulog. But I wanted to meet my girl even for just a moment.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon