Chapter 23

507 49 5
                                    

CHAPTER 23

JK

Nang makita kong sabay na lumabas sina Armi at Lucas ay hindi na ako mapakali.

"Sabay tayong mamasyal after ng concert ninyo, ha?" malambing na sabi ni Aiyu.

"S-sure..." napilitan kong sagot sabay sulyap kay Jay.

Ngumisi lang si Jay na para bang natutuwa pa na nahihirapan ako. Si Jin man ay parang nag-e-enjoy sa panonood sa amin.

"Crush ba ni Lucas si Armi? Parang palaging nakabuntot kay Armi, e," bulong ni Vince kay Jimin.

Nagkibit-balikat si Jimin. Himalang parang walang interest.

"Abah, himala... Ayaw mo na kay Armi ngayon?"

Nagtaas lang ng kilay si Jimin at hindi na ito pinansin. Parang nahuhulaan ko na kung bakit all of a sudden ay nawala ang interest nito. May naikuwento si Jin tungkol sa huling concert namin sa London.

"Good. That means I have a chance." Ngumisi si Vince at mapaglarong kumindat-kindat dito.

"Bunso, kausapin mo naman si Aiyu. Masyado kang mahiyain." Si Jin na sa ngiti pa lang ay parang may ibig nang sabihin.

Nagkamot ako ng ulo at apologetic na ngumiti kay Aiyu.

"It's okay. Am I making you feel awkward?"

Maagap akong umiling kahit pa 'oo' ang sagot ko sa tanong niya. "I am just surprised, you know? Hindi ko alam na manonood ka ng concert namin."

"I was texting you, but you're not answering..."

"He was like that with us, too. Hindi yata nagbubuklat ng messages niya." Si Yogi na umiling-iling pa. "Parehas sila ni Rapmon na buwan yata magbuklat."

Nagtawanan ang buong grupo. Hindi na ako nagkomento dahil hindi ko talaga gawaing tingnan ang mga messages ko. Tawag lang ang karaniwan kong nasasagot... and yeah, messages ko kay Armi ang monitored ko talaga.

"Hey... Hindi naman..." defensive na sagot ni Rapmon.

"I'm just too tired to even check my phone. I am really sorry." Apologetic akong sumulyap kay Aiyu na noon pala ay titig na titig sa akin.

This was really awkward.

I wonder if I would feel the same way if I am not in love with Armi?

Yeah, shit. I still haven't told her and she's hanging out with the guy who probably has more time to spend with her than me.

"Um, excuse me. I need to go to the restroom." Tumayo ako at makahulugang tumingin kay Jay na umiling-iling lang.

"Sige..." nahihiyang sagot naman ni Aiyu na noo'y agad namang in-entertain ni Jin.

Nang masigurong hindi nakatingin sa akin si Aiyu ay saka ako lumihis ng daan palabas. Agad kong pinahaba ang aking leeg at hinanap si Armi. Hindi naman nga nagtagal ay natanawan ko silang nasa pool area at nag-uusap.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at pilit na kinalma ang sarili. Sa sobrang selos ko, parang gusto ko na lang manuntok ng tao.

Tatawagin ko na lang sana si Armi nang marinig kong magsalita si Lucas.

"Um, Armi... can I ask you something?"

Bumaling si Armi rito. Tila naghihintay nga sa tinatanong nito.

"M-may boyfriend ka na ba?"

Bigla akong nahinto sa paglapit dahil sa tanong na iyon. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang paglapit o papaano. May parte sa aking curious sa isasagot nito.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon