Chapter 7

495 45 2
                                    

CHAPTER 7

JK

The shoot went well as expected. At tulad nga nang sabi ni Jin, ipinasa niya sa akin lahat ng pictures namin ni Armi. Nagpakita man akong hindi apektado, sa totoo lang ay masaya akong ginawa niya iyon.

"JK, JK, JK!"

Halos mapatalon ako nang lingunin si Jay na nasa likuran ko na pala. He saw it! He saw the pictures!

"Crush mo talaga 'no? Umamin ka na!" nanunukso pang aniya sabay nguso sa cell phone kong naisuksok ko na agad sa bulsa.

"What the hell are you talking about?" maang-maangan ko pa sabay layo rito.

Pero agad naman itong sumunod at inakbayan pa ako. "Your secret is safe with me. Type mo si Armi, 'no?"

I roll my eyes. "What makes you say that?"

Ngumisi siya. "Dati, si Aiyu lang ang laman ng storage mo. Ngayon, kasama na si Armi."

"Kasama ako sa picture kaya natural lang na may kopya ako," palusot ko pa.

Humalakhak siya at umiling-iling. Halatang hindi kumbinsido sa sagot ko.

"I don't think so, bunso. Umamin ka na kasi. Paano kita matutulungan kung hindi ka magsasabi?"

Bumuga ako ng hangin. Alam kong hindi niya ako lulubayan.

"Vince and Jimin were quite persistent. Walang araw na 'di sila nakabuntot kay Armi. Mauunahan ka nila."

"I really don't care," kunwari ay walang pakialam na sagot ko.

Muli ay humalakhak lang siya. "Bahala ka nga. Ayaw pa kasi umamin."

"Dahil wala akong dapat na aminin."

Lalong lumapad ang ngiti niya. "All right. Sinabi mo, e." Tinapik niya ng malakas ang balikat ko bago nanguna na sa paglalakad palayo.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at umiling-iling sa kawalan.

Am I being too obvious?

Lumipas ang ilang araw na wala kaming ginawa kundi ang mag-rehearse ng aming mga sayaw dahil sa nalalapit na concert tour sa ibang bansa.

Pawisan at halos wala na akong lakas nang biglang humiyaw ng malakas si Jay na noo'y titig na titig sa cell phone nito.

Dali-dali kaming lumapit at umusyoso sa pinapanood nito.

"Hindi ba si Armi 'to?" aniya sabay turo sa babaeng dinudumog ng mga fans namin.

What the fuck?

"Where is this?" Mabilis kong inagaw ang cell phone ni Jay habang tiim-bagang na pinapanood ang mga fans na tila binu-bully si Armi.

"I think sa school iyan malapit sa plaza. Alam ko ay mag-inquire siya ngayon." Si Vince na kunot-noong nakatitig sa live video.

Walang sabi-sabing bumalikwas ako ng takbo palabas ng practice room. Ni hindi ko na alintana pa ang sigaw ng mga kasama kong nataranta rin sa ginawa ko.

Mabilis akong nakasakay ng sasakyan at agad na pinaharurot iyon papuntang plaza. Halos wala pang fifteen minutes ay nakarating ako sa harap ng school at naabutan si Armi na nakaupo sa sulok habang yakap-yakap ang tuhod.

Halos manginig ang aking katawan sa sobrang galit na nararamdaman. I valued my fans so much, but I honestly didn't like them being harsh with other women they thought who was involved with me or to any of my brothers. Kaya nga kahit na gusto kong makipagkaibigan sa babaeng celebrity ay hindi ko magawa dahil sa ganitong scenario.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon