Chapter 21

471 42 1
                                    

CHAPTER 21

JK

Ilang araw na hindi ako mapakali dahil sa madalas kong nakikitang paglapit ng bago naming bodyguard na si Lucas kay Armi. I could totally see what he is up to. Obvious sa mga kilos nito na gustong-gusto nito si Armi. Walang duda roon. Madalas ko pa itong mahuling nakatitig kung kaya hindi ko maiwasang mawala sa mood.

Ngayon lang naman ako nakaramdam ng selos kung kaya sobrang hirap para sa akin na hindi magpakitang apektado. Kita at ramdam ni Jay iyon. Maging si Jin ay paminsan-minsang nagpaparinig na akala mo alam talaga ang nangyayari sa pagitan namin ni Armi. At gusto ko mang mag-pretend na parang wala lang ay ipinagkakanulo naman ako ng aking mga mata. Sabi nga nila, hindi makapagsisinungaling ang aking mga mata.

"Are you okay?" pasimpleng bulong ni Jay matapos na makalabas ako ng locker room.

Umiling ako. Hindi ko masabing kuntento ako sa pag-uusap naming iyon ni Armi. Gustuhin ko mang araw-araw kaming mag-usap ay hindi namin magawa. Dahil kung hindi nakabantay sa akin ang grupo ay grabe naman ang pagod ko sa ensayo. Tipong kahit na ano'ng pilit kong idilat ang aking mga mata ay hindi kinakaya.

"Nagseselos ka ba?" Nagpipigil pa ito ng tawa.

Sa halip na sumagot ay humugot ako ng malalim na buntonghininga.

"You're being too obvious, bunso. Sa tingin ko ay nakakahalata na sila sa ikinikilos mo around Armi."

Hindi ako kumibo. Sa totoo lang, parang wala na rin naman akong pakialam kung malaman man nila. Kung mayroon man akong mas dapat problemahin ay ang management iyon at hindi ang grupo. Alam kong handa silang unawain ako hanggang sa huli.

"Are you in love with Armi?"

Noon ako napatitig kay Jay. Parang bigla akong nangapa sa dapat na isagot. Kaunting panahon pa lang naman ang ipinagsama namin ni Armi para masabi kong 'love' na nga ito. Pero kung ito man ang description ng love, ang maging masaya sa tuwing nakakasama ko siya at ang magselos nang sobra sa lalaking lumalapit dito, baka nga mahal ko na siya.

"How could you tell it is the real thing?"

Malalim na nag-isip si Jay bago sumagot. "Honestly, I think ikaw lang naman ang makakasagot niyan... Ano bang kaya mong isugal para sa kanya? Willing ka bang ipaalam sa grupo ang feelings mo para sa kanya or mas gusto mong magtago? Depende 'yan sa kaya mong gawin."

"I don't care if everybody here finds out about our relationship. If that is the only way to get rid of Lucas, I really don't give a damn."

Nagpakawala ng manipis na tawa si Jay. "Well, the ball is in your court. I guess, you have to tell her how you feel before you come clean," payo niya bago malakas na tinapik ang balikat ko at walang lingon na umalis.

Nang sumapit ang gabi, kahit pa grabe ang pagod ay nagdesisyon akong tawagan si Armi at pinapunta sa aking kwarto. Tulog na ang lahat kung kaya kampante akong walang makakakita sa aming dalawa.

"Nagdala ako ng biscuits na paborito mo," nakangiting bungad pa niya sabay taas sa biscuit na tinutukoy nito.

Ngumiti ako at banayad itong hinila papasok sa kwarto. Nang ma-i-lock ko ang pinto ay walang pagdadalawang-isip ko itong niyakap ng sobrang higpit.

"I missed you so much..." bulong ko sa kurba ng leeg nito.

She smelled really nice.

"Okay ka lang? Parang mainit ka?"

Mapait akong ngumiti. I'm feeling under the weather lately because of too much exhaustion. Hindi ko lang magawang sabihin sa grupo dahil na rin sa hiya sa mga ito.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon