Chapter 30

607 58 8
                                    

CHAPTER 30

Armina

Hindi ko inaasahang makikita ko pa rin si JK matapos ang limang taon. Nasa security agency man ang trabaho ko, wala sa hinagap kong ang agency namin ang matatawagan para magbigay ng additional security sa sikat na grupo nilang iyon. Kung sikat na sila dati, higit lalo ngayon.

"Wala pa bang tawag?" Bumaling ako paharap sa kasama kong si Ariel.

Umiling siya at tipid na ngumiti. "Balita ko sa team leader natin, mukhang mag-add ng additional security para sa grupo. At kapag sinuwerte, baka tayo na 'yon."

Hindi ko alam ang dapat na maramdaman sa balita niyang iyon. Nandoon ang kagustuhan, pero at the same time, nandoon ang takot. Hindi nakagayak ang loob ko sa posibilidad nang muli naming pagkikita. Kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na magsasalubong pa rin ang landas namin ni JK lalo pa nga't maliit lang naman ang agency na pinapasukan ko.

"Hindi yata ako puwede sa ganito... Alam mo na..." nag-aalangan kong pag-amin.

"Ano ka ba? Malaking oportunidad 'to. At balita ko, malaking magpasuweldo ang mga singers na 'yan. Hindi ba ayos na ayos 'yon para sa 'yo?"

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at wala sa sariling nagmasid sa paligid. Triple ang laki ng lugar na tinutuluyan ng grupo. Higit din itong mas magarbo sa dati. Mukhang kulang na lang ay hindi magkakitaan ang mga nakatira sa laki ng lugar na iyon.

"I don't know..."

"Come on, Armi. Kayang-kaya natin 'to. Tiwala lang. And, with your skills? Walang duda na bagay ka sa trabahong ito."

Mapakla akong ngumiti. Totoo naman din ang sinabi niya. Maraming hirap ang pinagdaanan ko para lang ma-qualify sa trabahong ito. Lumaki akong mahinhin at babaeng-babae gumalaw. Lampa pa ngang maituturing kumpara sa iba. Pero dahil sa trabahong ito, kinailangan ko ang physical training. Sakit ng katawan ang inabot ko para lang maging black belter sa martial arts.

"Huwag kang masyadong umasa. Nakita mo namang puro lalaki ang mga bodyguards nila."

"And so? Sa tingin mo mas qualified pa sa 'yo ang iba? I don't think so. Kulang na nga lang ay bumahag ang buntot ng mga iyon sa 'yo. Wala ngang makaporma, 'di ba?" natatawang aniya na nagpatawa rin sa akin.

"Puro ka kalokohan, Ariel." Natatawa akong umiling-iling.

"Totoo naman. Walang makaporma sa 'yo. Kahit nga ako, hindi mo mapagbigyan," nanghihinampo pang sabi nito na nagpailing lang ulit sa akin.

Gwapo at matipuno si Ariel. Mabait din siya at responsable. Pero hindi ko kayang pilitin ang sarili kong magmahal ng iba. At sa tingin ko, hindi ko na rin magagawang magmahal ng iba.

"Hay naku, 'wag mo nga akong pinagluluko, Ariel."

"Iyan ang sinasabi ko sa 'yo, e. Try mong seryosohin ako para makita mo."

Sa halip na magkomento sa sinabi nito ay nakangiti na lang akong umiling-iling. Ayoko nang dagdagan pa ang sinabi ko. Alam kong may feelings sa akin si Ariel, pero mas pinipili kong balewalain iyon. At iyon din naman ang naiisip kong tama lalo pa nga at 'di ko magagawang ibalik ang nararamdaman nito.

Hindi pa man kami nagtatagal sa paghihintay nang makatanggap ng tawag mula sa team leader namin.

Sumenyas sa akin si Ariel na tumahimik habang ako naman ay nakikinig sa usapan. Nang makatapos ay abot-tainga na ang ngiti nito sa akin.

Mukhang alam ko na ang ibabalita niya.

"It's confirmed. Tayo na ang additional security ng BTS!" excited pang balita nito at kulang na lang ay magtatalon.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon