Chapter 16

497 45 1
                                    

CHAPTER 16

Armina

Paminsan-minsan akong sumusulyap sa gawi nina JK at Aiyu. Walang dudang sa hitsura ay talagang bagay na bagay sila. At kahit pa ang buong grupo ay mukhang at ease naman din sa babae.

Mapait akong ngumiti at humugot ng malalim na buntonghininga. Kailangan kong gwardiyahan ang sarili ko. Hindi ako puwedeng mahulog kay JK dahil sa bandang huli, ako ang masasaktan at mahihirapan.

"Mukhang totohanan na ang couple na gustong-gusto ng mga fans, a," bulong ni Jane habang nakatitig kina JK at Aiyu na magkatabi sa upuan.

"Oo nga," sang-ayon ko sabay mapaklang ngumiti. "Bagay naman talaga sila."

"Truth. Sobrang bagay talaga sila. Paniguradong pati magiging lahi nila ay maganda rin ang kalalabasan."

Tumango ako at tipid na ngumiti. Tama lang din ang desisyon kong huwag magpadala sa emosyon.

Matapos kumain ay pumunta kami sa aming last destination. Doon na kami inabutan ng gabi sa pamamasyal. Karamihan ay humiwalay na at gumawa pa ng ibang lakad. Kaming mga P.A. ay nagdesisyong dumiretso na sa hotel lalo pa nga't wala rin naman kaming budget para sa ibang activity. Hindi naman kami makabuntot sa aming mga amo dahil iyon na nga lang din ang pagkakataon nilang makapag-solo.

Dumiretso si Jane sa bed at agad na nakatulog sa sobrang pagod. Ni hindi na nakuhang maglinis ng katawan o magpalit ng damit.

Dahil hindi pa ako inaantok ay nagdesisyon akong lumabas muna ng kwarto at namasyal sa garden ng hotel. May ilang mga turista ang nakatambay doon at tamang nakatutok lang sa kani-kanilang mga cell phone. May ilan din na panay lang ang kuha ng picture at paiba-iba ng spots.

Inilabas ko ang aking cell phone at sinubukan ding kumuha ng selfies. Pero dahil low resolution lang ang camera ko ay hindi ko makita ang ganda ng paligid.

Itinaas ko ulit ang aking cell phone at inanggulo ko ang aking mukha na natatamaan ng ilaw. Pero saktong pag-click ko ay ang pagsulpot ni JK sa likod ko!

"Ginulat mo ako!" Hinimas ko ang tapat ng aking dibdib.

Natatawa naman siyang umupo sa tabi ko at muling nagkabit ng face mask.

"Ang aga n'yo pala umuwi?"

Tumango ako at alarmang tumingin sa paligid.

"Nasaan ang mga kasama mo? Si Aiyu?"

"Nauna na kaming umuwi ni Aiyu. Hinatid ko na siya sa hotel."

"Ah..." Mapakla akong ngumiti bago nag-iwas ng tingin.

Hindi ko kayang pasinungalingan ang sarili ko. Nagseselos ako. Pero alam ko rin sa sarili kong wala akong karapatan at hindi rin dapat.

"I have spare cell phones." Sumulyap siya sa android phone ko. "I could just give you one."

"Huh? Hindi na. Puwede ko namang pagtiyagaan ito."

"Okay lang. Bigay lang naman ng mga sponsors iyon at hindi ko naman ginagamit. Puro bago pa naman iyon."

Hindi na ako nagkomento. Alam kong tototohanin niya ang sinabi niyang iyon pag-uwi namin sa Pilipinas.

"Come on. Let's take a selfie," aniya sabay panandaliang ibinaba ang suot na face mask. Itinaas niya ang cell phone at inanggulo sa posisyong kuha kaming parehas sa camera.

Ngumiti ako kahit pa parang ang awkward nang dating. Nakakahiya naman kasing kumuha ng picture na kasama ang isang superstar.

"Nice." Matamis siyang ngumiti habang tinititigan ang kuha naming dalawa.

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon