Chapter 39

628 54 8
                                    

CHAPTER 39

JK

Kulang na lang ay gumuho ang mundo ko nang lumabas ng kwartong iyon ni Armi. Wala ako sa sariling dumiretso sa aking kwarto at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang buong grupo na naghihintay.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at wala sa sariling umiling. Gusto ko na lang sana ay maging mapag-isa.

"Oh-kay... Looks like a bad news..." puna agad ni Jimin na ngumiwi pa.

"His face could tell everything." Si Vince na dismayadong napaupo sa bed katabi ni Jin.

"Hey, cheer up. You still have me. I'll marry you," mapaglarong biro pa ni Jin sabay kindat.

"Hey, fans were shipping us, too," singit ni Jimin. "I'll marry you, JK..." natatawang dugtong pa niya na nagpailing lang sa akin.

"Mas marami kaming fans," singit din ni Vince. "Tayo na lang ang pakasal, JK!"

Kahit pa yata puro kalokohan ang sinasabi nila ay wala sa mga ito ang nakapagpatawa sa akin. Walang-wala talaga ako sa mood.

"Tigilan n'yo nga si bunso. Problematic na nga." Umiling-iling si Yogi sabay buntonghininga.

"Yeah. I think we should give him some space." Si Rapmon na hinagod pa ang batok ko.

"I'm pretty sure he'll be in the news tomorrow. So yeah, the stress won't end here." Si Jin na agad naman ding tumayo sabay hila kay Vince na parang ayaw pa umalis.

"Yeah. After the stunt you did a while ago, it would be a total mess."

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at tumango-tango. Alam ko na ang mangyayari bukas. Worth it sana kung tinanggap man lang ni Armi ang alok kong kasal.

"We're here to back you up. You wouldn't go through this alone." Tinapik ako ni Yogi sa braso at mapaklang ngumiti.

Tahimik silang lumabas matapos na tapikin din ako ng iba sa braso at likod. Siguro nga ay kailangan ko na lang tanggapin na mas pipiliin ni Armi ang tahimik na mundo. Sa mundong wala ako at ang gulong dala ko.

At tulad ng inaasahan, halos magkagulo ang media sa pictures namin ni Armi na kumalat sa internet. Marami ring sumubok na kuhanan ako ng statement, pero nanatili akong tahimik at walang komento.

Sari-sari ang naging opinyon sa social media. Mayroong maganda at mayroon din namang hindi. Pero hindi ko na lang iyon pinagtuonan ng pansin dahil alam kong mas malaking problema pa ang haharapin ko sa management.

Hindi nga lumipas ang araw na iyon ay binisita ako ni Manager Lee. Gaya ng aking inaasahan, halos magliyab siya sa sobrang galit.

"I couldn't believe you let him do a stunt like that?! Have you all gone insane?!" sigaw pa nito sa ibang miyembro na tahimik man ay tila hindi na rin apektado.

Napag-usapan na namin ito at mas pinili nilang manatili sa tabi ko sa kabila ng lahat. Ganoon sila kabuting mga kaibigan. 

"I am so disappointed with you! I couldn't fucking believe it!" gigil pang dagdag nito habang tahimik ang lahat.

"It's all on me. I'll take care of this," kalmado kong sabi.

Pero sa halip na kumalma ay lalo pa itong nanggigil sa galit.

"Seriously, JK? Sa tingin mo, ganoon lang kadali ang lahat? Really?"

"Don't you remember that we signed a new contract with the management? Our terms, our rules," matapang kong sabi na nagpasingkit ng mga mata nito.

"And just because of those privilege, you think highly of yourself already? May commitment kayo sa management. May mga responsibilidad pa rin kayong hindi ninyo dapat pabayaan!"

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon