Chapter 35

565 54 7
                                    

CHAPTER 35

JK

Nagngingitngit akong pumasok ng kwarto at padarag na nahiga sa sofa. Hindi mawala sa isip ko ang nakitang eksena nina Armi at Ariel kanina. Sa sobrang close nila, kulang na lang ay maghalikan sila! And, that really pisses me off!

Inis kong sinabunutan ang aking buhok at pilit na kinalma ang sarili. Hindi ko lubos-maisip na ganito pa rin ang epekto niya sa akin after all these years.

Mariin akong pumikit at malalim na humugot ng buntonghininga. Marahil kung hindi ako nakapagpigil kanina ay baka nasuntok ko si Ariel sa sobrang selos.

Naabala lang ang aking pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto.

"Come in!" seryosong sigaw ko.

Bumukas ang pinto at bumungad si Vince na nakangiti pang lumapit sa akin.

Tamad akong bumangon at naupo nang maayos.

"What?" iritadong bungad ko rito.

"Kumusta puso mo?" nang-uuyam pang aniya. "Parang kaunti na lang ay sasabog ka na."

Umismid ako at umiling-iling. Hindi ko akalaing mapapansin nila ang pagbabago ng mood ko kanina.

"You're still in love with Armi, aren't you?"

Hindi ko nagawang sumagot sa tanong niyang iyon. Madali lang sa akin ang mag-deny sa kanila nitong nakakaraan, pero hindi ko alam kung bakit ngayon ay hindi ko magawa.

"Look, bunso, I think you should tell her how you feel. Malay mo naman mahal ka pa rin niya."

Ilang saglit din akong natahimik bago magsalita. "Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ulit, bro."

"Bakit naman hindi?"

Humugot ako ng malalim na buntonghininga bago ipahinga ang aking mga siko sa aking mga tuhod. "You knew what happened to me before. Ayoko na lang ulit pagdaanan pa 'yon."

"Look, bunso. You're a strong person. Ngayon pa bang may baby kayo saka ka susuko?"

"What if she doesn't feel the same way?"

"You'll never know if you won't try."

"I don't know..." malungkot kong sabi. "Siguro mahirap lang talagang mahalin ang gaya nating nasa ganitong trabaho?"

"Hmm... maybe? Hirap nga tayong makahanap ng babaeng kayang tumagal sa pressure."

"At iyon kaya ang rason kung bakit iniwan niya ako?"

"We don't know about that. Pero isa lang ang sigurado ko, umalis si Armi dahil sa pag-aalala, hindi lang sa 'yo kundi para na rin sa amin. I really think it's a selfless act. Mali lang talaga ang naging paraan niya. Sana kinausap ka muna niya at hindi na lang naglahong parang bula. On the other hand, naiintindihan ko rin kung bakit niya ginawa iyon... So, yeah. Mas maganda sigurong mag-usap kayo nang masinsinan."

Hindi ko nagawang makakibo agad. Natatalo ako ng takot.

"Nga pala, kumusta kayo ni Aiyu?" pag-iiba pa nito.

"We're good. Magkikita nga kami tonight with some other friends."

Ngumisi siya. "So, it's not a date?"

Umismid ako. "It's not a date."

"I see. Sino'ng isasama mong bodyguard?"

"Kahit sino."

"Ayaw mo bang isama si Armi?"

"Baka hanapin siya ni Kurt."

"We'll take care of Kurt."

BOYS TO SEEK (JK and Armina Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon